100 TULA PARA KAY CRUSH (SPECIAL)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Hindi ako magko-compose ng 100 na stanzas. Maikli lang talaga itey!

******

ANG HULI KONG TULA PARA SA'YO

Marami akong tulang inipon,
Sinubukan kong ihayag ang aking damdamin,
Baka sakaling iyo namang mapansin,
Ngunit hanggang pag-aakala lang.

Dahil sa mga inipong tula,
Ay buburahin ko na,
Ngunit bago iyon,
May nais sabihin.

Ito na ang huling tula,
Dito ko na ibubuhos ang aking luha,
Ayaw ko nang masaktan pa,
Dahil may iba ka na.

Itong tula,
Para sa'yo,
Sana ay mabasa mo,
At madama.

Lahat nang aking saloobin,
Mula sa paghanga,
Pagkahulog,
Hanggang sa masaktan.

Sinabi kong tama na,
Ngunit ang puso ko,
Tumitibok pa rin sa'yo,
Pero hanggang dito nalang talaga.

Nais kong sabihing salamat,
Salamat sa araw na napasaya mo ko.
Salamat dahil tumibay ang loob,
Salamat dahil naranasan kong humanga.

Salamat dahil naranasan kong mahulog sa'yo,
Salamat dahil hindi mo ko sinalo,
Salamat dahil ikaw ang nakasakit sa aking puso,
Salamat dahil sa iyo ko binuhos ang mga luha ko.

Hanggang dito na lang talaga ang lahat,
Isang malungkot na pamamaalam,
Sana maging masaya ka,
Huwag mo sana maranasan ang mga bagay na naranasan ko mula sa'yo.

Salamat sa lahat,
Kahit sinaktan mo ang puso,
Magpapasalamat pa rin,
Dahil ito na ang huling tula.

Ang huling tula na magiging laman ay pamamaalam,
Sana tuluyan na akong lumaya.
Lumaya sa mga panaginip kong binuo,
Na kasama ka.

Paalam.
Dahil alam kong kapag wala na ako,
Mas lalong magiging masaya ka,
Mas lalong siya lang ang mamahalin mo.

Huling tula,
Isang pasasalamat,
Ngunit,
May tangis ng pamamaalam.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Net