Chapter 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

MAX POV

3 months ago. . .

Tatlong araw na ang nakalipas nang maka-uwi kami dito sa pinas, matapos kasi ng bautismo ni Maxspaun ay nanatili muna kami roon ng tatlong buwan.

Nandito kami ngayon sa Mansyon nang mga Moon para kunin ang mga natitira kong gamit, nalaman kong nandito rin pala si Naih at Yaz.

Karga ngayon ni Sensui si baby Spaun. "Babe, do'n lang muna kami ni Spaun sa kwarto ah," sambit niya, tango lang ang isinagot ko.

Nagsimula na silang maglakad at umakyat papuntang kwarto ko. Mayamaya pa ay Nakita ko si Zarnaih, gulat niya pa akong tinignan at natutop niya ang sariling bibig.

Tss, OA pa rin?

"Wahh! M-max?" Nagugulat na sambit niya. Tumango ako at nagmadali siyang umakyat at narinig kong si Yaz ang tinatawag niya.

"ATE!ATE!" Dinig kong tawag ni Naih sa Taas, "Ate, gumising ka! Dali! Naku, dalian mo talaga, ate!" Sigaw ni Naih.

Tss, napaka OA talaga nito, walang pinagbago tsk!

Rinig kong sumagot si Yaz pero hindi ko naintindihan iyon, maya-maya ay bumaba si Naih.

"Mag-aayos lang daw si ate, ang panget kasi e, ikahihiya ko talaga siya!" Aniya, at tinawanan ko lang siya, "Asan pala si Sensui at Spaun, Max?" Tanong niya.

"Nasa kwarto ko,"

"Ahh! Naku, Max ang gwapo nu'ng anak mo jusko!" Namamanghang aniya.

"Mana-mana lang," sagot ko at tumayo naman saka umalis. at mayamaya pa ay nakababa na si Yaz.

"Maxpein," Aniya saka patakbong lumapit sa'kin

"Yaz," tumayo ako at yumakap sakaniya. "Kumusta? You look good," ani ko at pinasadahan siya ng tingin.

Umikot siya sa harap ko."Eto lalong gumanda!" Natawa kaming dalawa. " Where's your baby?" Tanong niya.

"Nasa kwarto ko. Hindi mabitiwan ni Sensui," nakangiwi kong sagot. " Siya yata ang ina sa'ming dalawa." Biro ko pa.

Tumawa siya. You're really crazy."

"Dumaan lang talaga kami para kunin ang ilang gamit ko." Ani ko saka isinenyas ang isang bag na nakapatong sa mesa.

"Kumusta naman ang naging bakasyon nyo ro'n pein?" Tanong niya, kinwento ko naman ang lahat, sandali din kaming nagkamustahan.

"Nasa'n nga pala ang baby ko?" Bigla ay nakangising bulong niya. Sino pa ba? Walang iba kundi si Maxwell, tss.

"Magkasama sila ni Maxrill sa pool," Ani ko sabay kindat. "Ingat ka, mainit ulo no'n."

Nakita kong nakagat niya ang labi niya. Tss. "Pupuntahan ko muna siya. For sure mawawala ang init ng ulo niya." Nakangising sambit niya at tumayo at naglakad papuntang pool.

Pumunta naman ako sa Kwarto ko at naabutan ko ang mag-ama kong naglalaro, nilalaro ni Sensui si Spaun at tawa naman ito ng tawa. Ang cute ng baby ko. Lumapit ako sakanila at kinarga si Spaun dahil naghahabol sa'kin.

"Babe, ano, nagusap naba kayo ni Parrot?" Tanong niya saka hinalikan si Spaun sa pisngi, tinawanan lang siya nito.

"Mm, kaso ay umalis din agad siya, si Yaz lang ang naka-usap ko ng matagal." Sagot ko habang hawak si Spaun sa magkabilang kili-kili, talon naman ito ng talon.

To be Continued. . .

Please Don't forget to vote,comment and follow me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Net