Chapter 11

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


A/N: Josiah is pronounced as "Josha" or "Hos-ya"



Hanggang sa pag-uwi ay isinama ng mga lalaki si Josiah. Katulad ni Franz ay family friend na rin si Josiah. Tuwang tuwa naman si Franz dahil nakumpleto sila ngayon. May kung ano pa silang binili sa convenience store habang on the way kami pauwi. Ano nga ulit yon? Bean boozie? Bean Booty? Ay ewan! Basta yung may kung ano anong kulay ng mga jelly beans. Mukha naman siyang masarap. Sabi naman nila gagamitin namin yun mamaya dahil maglalaro daw kami ng Truth or Dare sa hacienda kung saan nakatayo sa tabing-dagat. 


"HAHAHAHAHAHA! KNOCK KNOCK!" 


"WHO'S THERE?!!" sabay na sabay na sigaw ng mga lalaki maliban kay Josiah. Kanina pa kami iritang irita ni Elaine sa mga lame jokes ni Franz! Can someone please help him?!


"ISHI!" Sabay sabay kaming lahat na napatingin sa kanya at nanahimik. Ishi na naman? 


"Pre tara na nga sa hacienda. Nawala ako bigla sa mood eh" seryosong saad ni Raven. Oo sang-ayon ako. Nawala rin ako sa mood nang bigla kong marinig ang pangalang iyon mula sa kanya. Si Ishi. Si Ishi. Si Ishi. Si Ishi. Ishi parin siya ng Ishi kahit na iniwan na siya ng babaeng iyon para sa iba. Si Ishi ang ex ni Franz na iniwan siya. Ang sabi ni Ishi noon ay kailangan niyang hiwalayan si Franz dahil may isang katulad niyang intsik na ipinakilala sa kanya ang mga magulang niya at kailangan niya raw itong pakasalan pero last year na bakasyon nakita namin na nakikipaglandian sa isang PURE FILIPINO sa park?! Gustong gusto ko na sana si Ishi para kay Franz pero nung makita ko siyang nakikipaglandian sa iba ay nagbago ang impresyon ko sa kanya. Fanz doesn't deserve to be played. Masyadong mabait si Franz para lokohin lamang ng mga ganong klaseng babae. 


Napakamot nalang sa ulo si Franz at saka um-oo nalang. Wala na siyang magagawa, lahat kami nawala na sa mood dahil sa kanya eh.


Sinulyapan ko si Jared at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Sila nila Lawrence, Nate, Franz at Josiah ang magkakasama habang kami naman ni Elaine ay magkasamang naglalakad. 



PAGKARATING namin sa hacienda ay agad kaming nagsitakbuhan papunta sa tabing dagat. Bigla akong na-out of balance pero buti nalang ay nasalo ako ni Josiah.


Awkward.


"Ano ba naman yan? Ang laki laki mo na tatanga tanga ka parin? tss" punyeta! Wala talagang pinagbago ang taong gluta na 'to!


Itinayo niya ako ng maayos at saka naglakad lakad sa tabing dagat. Lakas maka-emote ng gluta na 'to. Dito sa hacienda ay pamilya lamang nila Tito Ceddie ang nakatira. Si Nathan, Raven at Elaine ay magkapatid at si Lawrence naman ay nagiisang anak nila tito Danny. Ang mommy ko ay kapatid ni Tito Ceddie at Tito Danny.


Nang papalubog na ang araw ay nagsiupo kaming tabi tabi sa buhanginan at pinanood na lumubog ang araw. Hindi ko alam kung anong mararamdaman lalo na't dito sa tabi ko pumwesto si Jared ngayon.


"Baby.." mula sa peripheral vision ko ay nakita ko siyang tumingin sa akin. Mas pinili ko na lamang na huwag na siyang lingunin dahil masaya na ko. Pakiramdam ko kasi kapag tinitignan ko siya ay bumabalik lahat ng sakit na pinaramdam niya sa akin simula unang taon hanggang ngayon. 


"Baby.."


"Rose"


"Baby--"


"Jared, please lang tigilan mo na ako. Im not your baby anymore. We're already over. Means, tapos na tayo" mahina pero may riing sabi ko. Sinigurado kong ang tono ng boses ko ay siya lamang ang maririnig dahil para sa kanya lang naman ang mga sinasabi ko. 


"Hayaan mo ko mag-explaine. Please--"


"Kahit ano pa yang sasabihin mo hindi ko na papakinggan yan. Matagal ko na naman na gustong iwan ka. Mabuti at may lakas na ako ng loob ngayon at ginawa ko na" Malamig ang mga mata ko na tinignan siya. May isang butil ng luha na kumawala mula sa kanyang mata. Ibinalik ko ang tingin ko sa dagat. Heto na naman ang mga luha ko at nangingilid. Urgh! This is really hard for me pero hindi ko na rin talaga kaya. 


"Rose naman"


"Ayoko na, Jared. Pagod na talaga ako. Im sorry" Alam kong naririnig na kami ng mga pinsan ko. Tahimik lang kaming lahat. Nagsimulang pumatak ang mga luha ko at hindi ko na rin napigilang humikbi.


"Kung diyan ka masaya" Tumayo siya at umalis. Wala na akong pakialam kung saanman siya magpunta. Kung gusto niya ay si Jennie pa ang iuwi niya sa condo niya! 


arghh!


Lalong lumakas ang aking paghikbi at hanggang sa naging hagulgol na ito. Lalo akong naiyak sa naisip kong pag-uwi niya kay Jennie. I used to live there with him. Sleep there with him. Play there with him. Naiiisip ko palang na may iba nang papalit sa pwesto ko ay parang kinukurot nito ang paulit ulit ang puso ko. Mahal na mahal ko si Jared. Gustong gusto ko pa si Jared. Hanggang ngayon nasa kanya parin ang puso ko pero...


I need to let go of myself from the pain that's killing me. Buong araw mukha akong masaya pero dito sa dibdib ko may mabigat akong dinadala. 



I Love you, Jared, but Im doing this for myself. Ikaw lang ang inisip ko buong panahong tayo pa pero sa ngayon ay ako naman. Sarili ko naman ang iisipin ko

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Net