Bubbles and Bees

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng
talaga ang taong yan. Ikaw ang mas may matinong utak kaya ikaw na lang ang umintindi ok?" gagap ng handler niya ang kamay ni Dani.

"Ok lang Ate K. Nasanay na ako sa kanya."

"Oo nga pala Dani, gaya nung mga nauna niyong publicities, ganun pa rin ang mangyayari kaya kailangang nandun ka sa party ni Analeen."

Buntunghininga na lang ang isinagot ni Dani at napahawak sa noo na tila may masakit dito.

Ginagap ni Ate K ang kamay ni Dani at muling nagsalita.

"Dan, alam ko na nahihirapan ka na din magpanggap pero makiayon ka na lang ha para sa ikakaganda ng iyong career. Naiintindihan mo naman ang lahat ng ito di ba?"

Tango lang ang isinagot ni Dani sa handler.

"Good girl. O sige tapusin mo na yung pagkain mo para makaalis na tayo. Labas lang ako para magyosi ha."

"Ok po Ate."

Again she sighed deeply at muling ipinagpatuloy ang pagkain. Binalikan niya ang unang beses na sinabihan siya tungkol sa "gimmick" ng loveteam nila.

"Magpapanggap kayong dalawa na merong something between the two of you. Lahat ng functions ay dapat lagi kayong magkasama. Laging kayo ang magkadate. At pagtatanungin kayo, huwag kayong umamin na kayo na. Leave everything hanging. Parang sasabihin niyong special ang isa't isa. To cut it short, just let them feel that you love each other."

Napanganga si Dani nung marinig iyon. Di niya alam kung kaya ba niyang magpanggap.

"Ate K, mahirap po ata ang gusto niyong ipagawa. Eh wala naman kaming relasyon ni Joey." Nagpapanic na sambit ni Dani.

Tahimik lang na nakamasid si Joey.

"Hindi yan mahirap gawin Dani. You'll just have to pretend. Pagsinabing pretend kasama din yung sweetness sa isa't isa at isa pa kailangang iwasan niyo muna makihalubilo sa ibang pwede maging sagabal sa loveteam niyo and you know what I mean by that Dani." Pagbibigay warning ni Ate K kay Dani patungkol sa closeness nito kay Seth.

"At ikaw Joey, kwidaw muna sa mga kabi-kabilang harutan sa mga girls ok or else..." pagbibigay warning ng handler kay Joey.

Joey boyishly smiled sabay sa paghawak nito ng batok at nagpapacute.

"Hay nako Joey, huwag mo akong daanin sa pagpapacute mo. This time I'm serious kaya you better behave. Ah basta, non-negotiable ang gusto ng management kaya mag-usap kayo kung paano niyo yan gagawin."

At naiwan ang dalawa na nagkatinginan na lang at nagkatawanan at di lubos maisip kung ano ang gagawin.

Chapter 6:

Matuling lumipas ang mga araw. Ang buwan ay naging taon din kay Seth dahil gumaganda ang career niya sa ibang bansa kaya nanatili na muna siya doon. Once in a while umuuwi siya pero sa tuwina ay di nagpapanga-abot ang schedule nilang magkaibigan or baka nga sadyang di pinag-abot.

Gumaganda din naman ang samahan nina Dani and Joey. They played by the rules and they're enjoying it. Kung dati ay halos di sila magpansinan at all acting lang talaga pero sa kalaunan ay naging palagay na rin ang loob nila sa isa't isa. Binansagan sila na hottest loveteam at kabikabila ang guestings at appearances nila.

Pero wala pa rin silang inaamin patungkol sa kanilang relasyon. They would always say na may espesyal lang silang pagtitinginan. They are exclusive at hindi na epepair sa iba. Masyadong seloso't selosa ang mga fans nila.

Ngunit nitong mga nagdaang araw ay medyo namumrublema na rin Dani sa pakikitungo niya kay Joey. Kahit paano ay may nararamdaman na rin siya kay Joey at gayun din ito sa kanya pero hindi pa rin nito kayang kontrolin ang libido dahil once in a while ay nasasangkot pa rin ito sa mga blind items na kasama ng iba't ibang girl.

Sometimes she felt insulted dahil sa tuwina ay laging dapat isagot niya ay hindi siya naniniwala unless sasabihin ni Joey sa kanya.

Isa sa inaalala niya now ay ang pagpunta sa party ni Analeen. Alam niyang may gusto si Analeen kay Joey. Tahasang inamin ito ng dalaga nung tanungin siya kung sino ang type niyang maging leading man.

"Analeen, paano yan eh exclusive ata ang tambalang Joe-elle?" tanong ng isang reported kay Analeen.

"Exclusive ba? Kasal na ba sila?" ganting tanong ni Analeen dito sabay kindat.

"Eh hindi pa naman pero di pa sila nakasubok ng ibang partner di ba?"

"Well, there's always the first time right? Who knows baka ito na yun!" makahulugang sagot ni Analeen sa reporter.

"Nakakaloka!" ang tanging naisagot ng reporter dito.

"That's a healthy competition Dani. Analeen will spice up your loveteam. People like competitions right. Huwag ka papatalo kaya kailangang nandun ka sa party niya." Sabi ni Ate K kay Dani habang pinapanuod nila ang interviewing iyon ni Analeen.

Tahimik lang si Dani pero aaminin niyang medyo nagseselos din siya sa closeness ni Joey at Analeen.

Hindi rin kasi niya tantyado ang ugali ni Joey. Minsan parang nagpapahiwatig ito na may gusto sa kanya, minsan naman deadma lang ito. Pero dahil sa babae siya ay nararamdaman niyang in-love na nga ata siya dito.

Minsan nagka-usap sila ng bestfriend niyang si Ruby tungkol sa kanilang dalawa ni Joey.

"Girl, what's the real score ba sa inyo ni Joey?"

"Ewan ko nga eh."

"Paanong ewan mo? Teka nga, totohanan na ba yung tungkol sa inyong dalawa?" pangungulit pa rin ni Ruby kay Dani.

Kibit balikat ang isinagot ng dalaga dito na sinagot naman nito ng ikot-mata.

"Hay nako! Sinasabi ko na nga ba eh! Alam mo ikaw ang talo sa labang ito. You're falling for him!"

Nanatiling tahimik pa rin si Dani.

"Alam mo girl, pangalagaan mo yung damdamin mo. Tingin ko kasi kay Joey ay hindi pa ready sa exclusive relationship yan. Baka you'll end up luhaan lang pagkatapos. Tingnan mo nga..." sabay turo sa tabloid nanakikitang nasa isang party si Joey kasama ng iba pang kasamahang artista at nandun din sa picture na iyon si Analeen.

"Nako ang landi talaga ng babaeng iyon. Kung makakapit kay Joey o! Sus! Sarap kalbuhin!" nangigigil na sambit ni Ruby.

Isang buntunghininga ulit ang pinakawalan ni Dani kasi wala na siyang maisagot sa kaibigan.

Biglang natahimik si Ruby at may binabasa at bigla itong tumili!

"Hoy, anong nangyari sayo?" tanong niya dito.

"Nako girl, may balitang magcoconcert pala si Seth dito. Alam mo ba ito?"

Umiling si Dani.

"Nako nako girl, next month pala ang concert niya. Makabili nga agad ng ticket para sa concert niya. Manuod tayo ha!!!! Teka tawagan ko ang tropa! Aaaaayyyyy!!!!" at nagtititli na ito na parang ewan.

Masusing tiningnan ni Dani ang picture ni Seth na nasa tabloid. Namimiss niya ang kaibigan. Matagal na din silang walang communication sa isa't isa. Naalala niya nung minsang nagkita sila sa US concert ng Star Magic.

Dahil sa sikat na si Seth ay may sarili itong dressing room na nadadaanan ng lahat ng performer na pupunta ng stage. Sarado ang dressing room nito pero nung dumaan sila ay tiyempong nagbukas ito at iniluwal ang kaibigang matagal ng hindi nakikita.

Parang tumigil ang mundo nung magkita sila. They were both shocked to see each other pero unang nakabawi si Seth at bigla siya nitong niyakap ng mahigpit.

"Dani! It's nice to see you again!"

Di na nakasagot si Dani dahil namalayan niyang hinihila na siya palayo sa kaibigan. Napabalik siya sa huwisyo at nakitang si Joey pala ang humihila sa kanya na hila-hila naman din ito ng rm nila.

Di niya masyadong naintindihan ang sinasabi ni Seth pero parang sinasabi nitong hihintayin siya mamaya.

Wala sa loob na tumango si Dani pero matapos ang kanilang song and dance number bi Joey at nakababa na siya sa stage ay nanatiling sarado na ang room ni Seth. Nahihiya naman din siyang kumatok at di na rin nabigyan ng pagkakataon dahil may isang Filipino community pa silang pupuntahan na invited naman silang dalawa ni Joey.

Hangga't makauwi sila ng Pilipinas ay yun lang ang tanging naging communication nila ni Seth. She never bothered to ask for his whereabouts dahil nirerespeto niya ang loveteam nila ni Joey at nangako si kay Ate K.

Isang buntunghinga muli ang pinakawalan ni Dani at hinawakan ang pahinang may larawan ni Seth.

Chapter 7:

Malakas na musika, ingay at hiyawan, bumabaha ang inumin! May nagtequila shots, may nag Bong!, may iba na hawak hawak ang bote ng San Mig light. May mga sumasayaw. It was a beach party and everyone is instructed to wear white.

"Oh my God!!!!! You're finally here!!!!!" sigaw ni Analeen nung nakitang dumating sina Joey at Dani. Patakbo itong yumakap kay Joey at di alintana nitong hawak pala ni Joey si Dani.

Halatang tipsy na si Analeen at may bitbit pa itong wide rimmed glass na may lamang transparent na likido which could be guessed as a vodka.

Medyo biglang nagkaroon ng tension ang mga nandun dahil sa ginawa ni Analeen dahil she's clinging to Joey and is asking him to dance with her.

"Mamaya na Analeen. Happy Birthday pala. We're starving!" halatang nilihis lang ni Joey ang kwento dahil nakita niya ang pagsama ng timpla ng mood ni Dani.

"Oh I'm so bad. Halina kayo sa buffet table. Help yourselves. Come!" sabay hawak sa kamay ni Joey at ng dahil dun ay nabitiwan nito ang pagkakahawak kay Dani.

Nababastusan na si Dani sa nangyari pero she doesn't want to make a scene kaya di na siya kumibo.

"Hi Dani. Pahiram muna ngayon kay Joey ha. He's my special guest!" sabi ni Analeen at halatang lasing na nga ito dahil sa mga kilos.

Tumango na lang si Dani at hindi sumama sa kanila papuntang buffet table kaso hinawakan siya ni Joey so he ended up na dalawa ang ka holding hands.

"Wow pare ang gwapo mo. Dalawang chix ang dala dala mo! Kung suswertehin ka nga naman oh! Pare, exchange naman tayo ng mukha kahit isang gabi lang." sigaw ni Joe sa kanya.

Isang nakakalokong ngisi lang ang isinukli ni Joey kay Joe.

Habang nasa buffet table ay todo asikaso si Analeen kay Joey at si Joey naman ang inaasikaso ay si Dani. Nakakatawa silang tingnan tatlo.

Hangga't sa pag-upo ay di pa rin tinantanan ni Analeen si Joey. Nandun yung subuan ito at kahit todo tangi ang huli ay minsan nagpapaubaya na rin dahil ayaw mapahiya ang celebrant.

All through out that dinner ay iniignore talaga siya ni Analeen kaya si Joe na lang ang kumakausap kay Dani.

"Dan, are you ok?" tanong ni Joe sa kanya.

Pagtaas ng kilay lang ang nasagot ni Dani kay Joe.

"Pagpasensyahan mo na yan. Lasing lang yan. Malakas talaga tama niya kay Joey." Pagpapaliwanag ni Joe.

"Mukha nga at yung kaibigan mo gustong gusto naman yung ginagawa ng haliparut na iyan. Sabi na nga bang ayokong pumunta sa party na ito eh pinipilit pa kasi ako eh." Paghihimutuk ni Dani.

"Nako tama lang na pumunta ka kasi pag hindi patay kang bata ka, baka e take home pa ni Analeen ang Joeyboy mo!" maarteng sabi ni Joe.

Ikot mata lang ang isinagot ni Dani pero hindi na siya natutuwa sa mga pangyayari. Naiinis siya sa ginagawang pambabastos ni Analeen sa kanya. Gustong gusto na niyang umuwi kaso wala siyang dalang kotse at nasa malayo at private resort sila so walang taxi na dumadaan.

"Dani, bantayan mo si Joey. Baka anong gawin ni Analeen sa kanya." Ang text na natanggap ni Dani galing kay Ate K.

"Ate, malaki na si Joey at dapat alam na niya ang kanyang ginagawa. Mukha namang ini-enjoy niya ang kahaliparutan ni Analeen. Pwede na ba akong umuwi?"

"Hindi pwede. Huwag mong iwan si Joey. Pangit tingnan! Umayos kayong dalawa diyan." Muling sagot ni Ate K.

"Grrrrrrrrrrr!!!!" sabay hampas ng kamay sa mesa na ikinagulantang ni Joe na umiinum ng sabay sa kasalukuyan. Napalakas ata ang hampas ni D kasi natapunan ang mukha ni Joe ng sabay.

"Naman Dani, naligo naman ako at nagpabango.!" Sabay punas sa mukha nito.

Imbes na magalit pa si Dani ay natawa siya sa itsura ni Joe kaya napahalakhak na rin ito sabay tinulang sa pagpunas ng mukha si Joe while saying sorry.

"Kung galit ka, yung Joeyboy mo ang hampasin at huwag ang mesa. Nadidisgrasya kasi ang humihigup ng sabaw eh!" di maiwasang himutok ni Joe.

"Sorry na po. Na carried away lang." at humahagikhik pa rin si Joe.

Sa wakas ay umalis si Analeen sa table nila.

"Whew! Grabeh naman itong si Analeen sa kakulitan." Sabi ni Joey habang inaayos ang pag-upo paharap kay Dani.

"Baby, do you want anything to drin..." at di na nito natapos ang sasabihin at napabulaghit din ito ng tawa nung makita ang ayos ni Joe.

"Pare, ang sabaw kasi iniinum at hindi hinihilamos!"

"Ay Pare, ang mesa din kasi dapat nilalagyan ng pagkain at hindi hinahampas lalo na't may umiinum ng sabaw!" sagot ni Joe habang tinitingnan ng masama si Dani.

"Sorry na sabi. Aminin mo masarap yung sabaw at nagugutum mukha mo kaya pagbigyan mo na. Tsuri na!" sabi ni Dani habang pinupunasan si Joe.

"Napansin ko nga!" sabi ni Joe na pinalaki pa lalo ang butas ng ilong.

Napahalakhak pa lalo si Joey at di nito alintana ang inis ni Dani.

"Baby, what do you want to drink? Hoy...." Pagtatanong muli ni Joey kay Dani. Nakagawian na nitong tawagin siyang baby dahil yun tawagan nila sa una nilang movie.

"Pare, may sumpong na naman ata tong Baby ko." Sabi ni Joey kay Joe habang pinipilit na yakapin si Dani.

Pilit kumawala ni Dani sa yakap ni Joey at di pa rin nito tinitingnan ang huli. Patuloy nitong tinutulungan si Joe na linisin ang sarili.

"Baby naman. Huwag ka ng magalit. Ganun lang talaga si Analeen. Makulit at mapagbiro lang talaga yun. Tsaka lasing na rin yun eh so din a alam ang ginagawa." Pagpapaliwanag ni Joey.

"Hay nako ewan ko sa inyo." Pero mayamaya lang ay unti-unti ng nawala ang galit ni Dani sa kapareha.

Pero kung kelan naman nahimasmasan na sana si Dani ay siya namang pagbalik ni Analeen sa table nila at hinihila nito si Joey para sumayaw.

"Later na Analeen. Busog pa ako eh. Tsaka walang kasama si Dani."

"Anong walang kasama, hello! Kahit maitim si Joe kita pa rin siya kaya may kasama si Dani." Banat nito.

"Ay thank you at ang bait mong talaga Analeen!" sagot naman ni Joe sa banat nito.

"Oi Joe birthday ko kaya pagbigyan mo ako pwede! Tara na, isayaw mo na ako pleaseeeeee!" paglalambing nito kay Joey.

Di pa rin natinag si Joey at nanatiling tahimik si Dani pero salubong na ang kilay dahil naiirita na kay Analeen

"Dani, may I borrow Joey? Birthday ko naman ah! He's my gift! Guys, ayaw pumayag ni Dani na makasayaw ko si Joey oh! Papayag ba kayo?" pag-eeskandalo ni Analeen.

"Tumayo ka na dyan before she makes a scene." Sa wakas ay kinausap na ni Dani si Joey.

Walang choice si Joey kung di tumayo at magpatianod sa gusto ni Analeen. Pagdating sa dancefloor ay para itong lintang kumapit kay Joey at mukhang planted na ang gustong mangyari ni Analeen kasi lumapit naman ang mga kaibigan nito at biglang itinali ang dalawa sa isang telang manipis na puti na animo'y mummy silang nakasandwich sa isa't isa.

Hindi na matagalan ni Dani ang nakikita kaya tumayo na siya sa kinauupuan at lumayo layo sa venue. Bago siya tuluyang lumayo ay di maiwasang mapalingon siyang muli sa dalawang sumasayaw at nasaksihan niya ang mas ikinangitngit ng bunbunan niya.

Caught in the act niyang nakita ang dalawa o mas tamang sabihing hinalikan ni Analeen sa lips si Joey.

Chapter 8:

Pilit kumakawala si Joey kay Analeen pero the more he resisted the more Analeen held on to him.

"Analeen, stop it!" said Joey in between kisses of Analeen.

"It's my birthday Joey, pagbigyan mo na ako!"

Hanggang sa nakahanap si Joey ng pagkakataon para mapahinto si Analeen. Naitulak niya ito para tumigil.

Nawalan ng balanse si Analeen at natumba ito. Biglang natahimik ang lahat ng nakasaksi. Taas-baba ang hininga ni Joey at pilit kinakalma ang sarili. Naiinis siya sa ginagawa ni Analeen. It was below the belt and alam niyang di nagugustuhan ni Dani ang nangyari. Pero dala ng kagandahang asal ay itinayo din nito ang natumbang si Analeen at inalalayang umupo sa pwesto nila kanina.

Tahimik ang dalawa at di nagkikibuan. Dumulong agad ang mga kaibigan ni Analeen para kumustahin siya.

"Ano ba ang ginawa mo Joey? Bakit mo siya tinulak?" sabi ng isang kaibigan ni Analeen na mataray.

Hindi sumagot si Joey. Sinisipat lang nito kung may masakit ba kay Analeen. Ganun si Joey, may pakasuplado ito lalo na pag di niya gusto ang mga pinapagawa sa kanya.

"Are you ok girl?" tanong ng mga kaibigan ni Analeen sa kanya.

"Ano ba kayo, I'm ok! Tuloy ang party. Halika na Joey isayaw mo ako ulit. Promise I won't kiss you again. Sorry kanina nadala lang ako. Just dance with me ok." Masayang sabi ni Analeen.

Pero tumangi si Joey at gusto nitong hanapin si Dani at alamin kung anong nangyari dito lalo na't di niya ito makita sa dating kinauupuan.

Pero gayun pa man ay walang nagawa ang pagtanggi ni Joey dahil na rin sa pambubuyo at pangungunsensya sa kanya ng mga kaibigan ni Analeen. He has to do it. He has to save Analeen's face from what happened a while ago.

*******************************************

Naghihyperventilate si Dani sa nasaksihan. Mas lalo siyang nangigil dahil nakita pa niyang parang nakayakap si Joey kay Analeen. She stormed out of the venue at lumayo para kumalma.

"Damn! Nakakainis! Haliparut talaga!" inis na inis si Dani at di niya namalayang tumutulo na pala ang luha niya.

Hindi ito ang unang pagkakataong nangyari ang ganitong kaganapan. Nung baguhan pa lang si Analeen at tahasan nitong sinasabi lagi na crush nga di umano nito si Joey at nagkaroon sila ng mga followers. Infact meron ng mga bulong-bulongan na magkakaroon silang tatlo ng pelikula at ang theme ay love triangle.

Sa tuwinang may pagtitipon ng mga Star Magic artist ay parang lintang dumidikit talaga si Analeen kay Joey na lagi namang iniiwasan ng huli.

At one time ay di siya pinaalis ni Joey sa tabi nito at buong gabing hinahawakan ang kamay niya para makaiwas kay Analeen. Dahil dun ay naging panatag ang loob ni Dani sa animo'y relasyon nila Joey... until what she witnessed tonight.

Nakahanap siya ng isang space na medyo tago sa mga tao at dun niya tuluyang pinakawalan ang mga luhang kanina pa nais lumabas.

Umupo si Dani sa isang malaking bato at tuluyang napahagulgul.

Nasa ganung estado siya nung may lumapit at nagbigay sa kanya ng isang puting panyo.

Medyo nahirapan si Dani na alamin kung sino ang nag-offer sa kanya ng panyo dahil hilam sa luha ang mga mata kaya tinanggap na muna niya ang puting panyo at pinahiran ang mga luhang sagabal sa paningin.

Muling

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Net