Bubbles and Bees

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng
through

When she cries at night

And she doesn't think that I can hear her

She tries to hide

All the fear she feels inside

So I pray this time

I can be the man that she deserves

'Cos I die a little each time

When she cries

Nakapikit ang mga mata ni Seth habang kinata ang When She Cries ng Restless Heart na siyang bago niyang single sa soon to be released album.

He can feel the song.

Tagos hanggang buto ang nadarama niya sa lyric ng song.

She's always been there for me

Whenever I've fallen

When nobody else believes

She'll be there by my side

I don't know how she takes it

Just once, I'd like to make it

Then there'll be tears of joy

That fill her lovin' eyes

When she cries at night

And she doesn't think that I can hear her

She tries to hide

All the fear she feels inside

So I pray this time

I can be the man that she deserves

'Cos I die a little each time

When she cries

So I pray this time

I can be the man that she deserves

'Cos I die a little each time

When she cries

He can only wish that if he will be the man in her life that she won't be crying right now.

He's can only imagine that she is in his arms and they're happy.

He can only imagine na magkahawak ang kanilang mga kamay at masaya silang nagkwekwentuhan over coffee.

He can only imagine that hindi na silang maghihiwalay.

And he can only wish that he will be the man she deserves in her life because indeed he felt like dying everytime he sees her crying.

"And cut! Good take Seth and Dani!" napapalakpak pa ang lahat ng nasa set nung sumigaw na ang director. Ito na yung huling araw ng shoot nila sa MTV ng bagong single ni Seth.

Chapter 13:

Niyakap ni Seth si Dani nung mapack-up na ang kanilang shoot. They might be tired but happy naman of the outcome. Nagkayayaan ang buong tropa na kumain bago umuwi.

"Guys, guys! Bago ang lahat, I want to say thank you and job well done sa pagawa natin ng MV ni Seth. Lahat ng pagod at hirap will surely be worth it. Cheers to all!" sabi ni Direk as he raised his glass to everyone.

Nagchorus ang lahat ng naroon sa pagsabi ng cheers while raising their glasses as well.

"O Seth, wala na akong utang sa'yo ha!" makahulugang dagdag ni Direk kay Seth sabay kindat dito.

Hindi nakaligtas sa lahat ang pamumula ng mukha ni Seth sa sinabi ni Direk. Tapos nasundan pa ito ng kantiyawan siya ng iba pang staff na nandun.

Natatawa na lang na binalikan ni Seth ang utang incident na iyon.

"I only want her and no one else in the video." Sabi ni Seth na halatang determinado ito sa gustong makamtan.

"Seth naman. Baka mahirapan tayo kasi di nga ba exclusive siya sa loveteam niya." Frustrated na sambit ng director dito.

Kibit balikat lang si Seth pero ayaw pa rin niyang magpanegotiate.

"Hay nako! Ewan ko sayo. Para ko tuloy gustong isipin na iba ang binabalak mo kaya gusto mong si Dani ang nasa MV." Wala sa loob na nasabi ng kanyang road manager.

Ng bigla na lang namula si Seth sa sinabi nito.

"Teka! Seth ikaw ha!"

"What?" Seth is trying to play innocent pero di maikakaila ang pamumula nito at ang pag-aakto nitong parang school boy na merong crush.

"Hala!!!! Tama ba ang iniisip namin ha Seth?" nag-umpisa ng kantiyawan ito ng mga staff.

"No comment!" natatawang sambit ni Seth.

"Mautak ka rin ano. O sige ganito na lang. Pag nagawan ko ng paraan na maging leading lady mo sa video na ito si Dani, sagot mo ang dinner pagkatapos ng shoot ok?" hamon ng director sa kanya.

"Oo ba! Pero until then, may utang ka pa sa akin!" sabay kindat nito sa director.

"Deal!" at nagkamay pa sila at nagsipagpalakpakan pa ang mga nandun sa meeting. Piniktyuran pa ang pagkakamay nila to seal the deal daw.

"Ano Seth, happy ka?" ang nagpabalik sa huwisyo kay Seth sa kasalukuyan nung tanungin siya ng director.

Napangiti si Seth at nagpasalamat sa director at as agreed upon, si Seth ang sumagot sa hapunan nilang iyun.

Si Dani ay nanatiling clueless sa nangyari ay nakiki-ayon na rin sa kantiyawan ng grupo. Hindi natapos ang dinner ng iyon ng hindi sila nagvideoke.

Dani can also sing kaya di pinalampas ng mga iyon na pakantahin siya.

"Dan, this next song is our special request ha. We've heard you sing this song partially but this time gusto namin, buong buo na na ikaw ang kakanta. Ladies and Gentlemen, please give it up to Daniella!"

Nakangiti si Dani na kinuha ang mic at pinaunlakan ang mga kasamahan na kakantahin ang request nito sa kanya.

Pikit matang nag-umpisang kumanta si Dani.

"Pangarap kong makarating sa buwan at lumipad haggang doon sa kalawakan...." At umindak na ito nung nag chorus na ang kanta at dahil dun ay di na rin naawat ang iba pang kasamahan na makisayaw.

At dahil sa kantiyawan ay nagsalang pa sila ng isang Jollibee theme song na kinanta at sinayaw nilang lahat at syempre pinangungunahan iyon ng Jollibee endorser na si Seth.

Masaya ang gatherirn na iyon at ilang kanta din ang pinakanta sa kanila na duet and their voices are blending really well.

"May potential ang batang ito ah. Bakit ba hindi na venture sa pagkanta ito?" puna ni Direk kay Dani.

Napa-isip din ang kausap ni Direk sa sinabi nito.

"Oo nga ano. Parang magandang gawan sila ng kantang dalawa or for a starter, pwede siguro silang magduet. Subukan kaya natin?" suhenstiyon ng musical director kay Direk.

"Abah magandang project yan. At yang taong kanina pa kumikinang ang mga mata at di mapawi ang ngiti ay mas lalong ngingiti yan pagnagkataon. Kasi naman ang torpe ata eh." Natatawang sambit ni Direk. Di lang sa professional relationship meron sina Direk at Seth but matalik din silang magkaibigan. Confidante ni Seth ang director at ever since he started, ito na lagi ang nirerequest niyang magdirect ng kanyang music videos.

************************************************

"Di ka ba nahirapan mag act kanina? Pasensya na ha, madarama yung concept ng MV."

"Ano ka ba, enjoy kaya ako sobra. Ito yung first ever full length MV ko. Nakakatuwa pala. Thank you sa pagpili sa akin. Balita ko na hinaharass mo daw sila ah para ako makuha ah. Ikaw talaga, nakakahiya." Nahihiyang sabi ni Dani pero hindi maikakaila na flattered siya sa nalalaman.

"Ok lang yun. Hayaan mo silang mamurublema naman minsan." Bungisngis na sabi ni Seth sa kaibigan.

"Pero seriously, gusto ko talaga or mas tamang sabihin the song is bagay sayo and ikaw lang nakikita kong pwedeng nandun sa MV na iyon. And I'm glad napapayag ka."

"Anything for you my friend. Bayad utang ko na din ito sa mga kabutihan mo sa akin. You have always been there for me. Thank you so much Seth." At hinawakan ni Dani ang kamay ni Seth.

"Anytime my friend. Anytime and anything for you." Makahulugang sabi ni Seth at muling ipinatong ang isang kamay nito sa kamay naman ni Dani.

Biglang nagclick at nabigla silang dalawa.

"Ano ba naman yan. Magsabi naman kasi at ng di ako magugulat." Birong sabi ni Seth sa isang fan nila na nagpicture.

"Ay sorry Papa Seth. You guys look so cute kasi. Isang pose pa nga. Sige na please."

Naiiling na lang tumawa ang dalawa at syempre lagi silang mabait at grateful sa mga fans nila kay ito'y kanilang pinagbibigyan. Naging mas makulit pa nga ang dalawa dahil umasta ang dalawa na parang magkasintahan daw sa ka sweetan. Hindi na tuloy mawari ang tili ng kanilang dakilang fan nung nagpipicture ito.

"Dani, pahiram naman kay Papa Seth. Kunyari kami naman sa ganung pose. Sige na!" pero di na nito hinintay si Dani na sumagot dahil bigla nitong binigay ang camera sa kanya para sila naman kuhanan nito.

Chapter 14:

Dumating ang araw ng pagrelease ng music video ni Seth at nagkaroon ng press conference to launch his newest single na When She Cries.

"Hi Seth, what made you chose this song pala? Comparing to your other songs previously, mas makapagbagbag damdamin ang kantang ito ah." Nag-uumpisang tanong ng mga reporter dito.

"Nung naghanap kami ng kanta para sa album ko, bigla ko naisip itong kantang to when an incident happened to one of my kakilala."

"And kilala ba namin ang kakilala mong ito?"

Ngiti lang ang isinagot ni Seth.

"Care to give us the name or kahit clue lang Seth kung sino man itong girl na ito?" di maawat na pangungulit ng reporter kay Seth.

"Hayaan niyong akin na lang ang reason na iyon mga kaibigan." He said shyly.

"Seth, bakit pala si Dani ang leading lady mo sa kantang ito. Alam naman nating lahat na ka partner siya ni Joey Ricafort and well exclusive sila di ba?"

"I'm pretty much aware of that too but well, this is something new to her din. So sinubukan lang namin if she's ok with it and thanks God ok naman ang sched."

"Pero Seth you haven't answered our question. Bakit si Dani ang napili mo?"

"Well..." medyo naging speechless si Seth pero di maikakaila ang pagmumula nito dahil sa kawalan ng maisasagot.

"Well..." inulit ng mga reporters ang sinabi ni Seth.

"Kayo talaga. Well... di ko rin alam!" sabay tawa nito.

Nakikitawa na rin ang mga reporter sa sinabi ni Seth.

"Dahil ba si Dani ang isa sa mga hinahangaan mong young artista gaya ng sinabi mo on a separate interview?"

Ngiti lang ang isinagot ni Seth at nung sasagot na sana siya ay...

"Nandito na pala si Dani." At ginuide na si Dani na umupo sa tabi ni Seth.

Habang papalapit na si Dani who is wearing a floral mini skirt with a belt and a white tank top and she's sporting a curly hair and a simple barely there make-up, napanganga lang si Seth habang sinusundan ito ng tingin. She's smiling sweetly to the press people while waving her hand to them. Everything went like a slowmotion to Seth.

Naputol lang ang pagmuni-muni nito nung tapikin ito ni Dani para magkapagbeso ito sa kanya.

"Seth, bigla kang natulala nung dumating si Dani ah." Puna na naman nung pinaka malokong reporter dun.

Seth was quick to save his act and said "Oo nga, para akong nakakita ng angel ah!" pabirong sabi nito but it was really have meant.

Tawanan na naman ang mga nandun sa presscon.

"Hi Dani, anong feeling mo nung piliin ka ni Seth to be his leading lady in this video?"

"Good afternoon po. Happy po kasi dream come true ito sa akin na makagawa ng music video."

"Ano naman ang reaksyon mo nung nalaman mong isa ka sa mga celebrity crushes ni Seth?"

"Ay talaga po. Di niya sinabi sa akin yan ah! Bakit di mo sinabi sa akin?" birong baling ni Dani kay Seth para kahit papaano ay matakpan ang mamumula niya.

"Hiya ako eh!" parang totoy na sambit ni Seth. At tawanan na naman ang mga reporter dahil dun.

"Dani, balita din namin pala na si Seth din ang iyong celebrity crush when you were starting. Possible kayang may mabuong magandang kwento sa inyong dalawa gayung pareho niyo palang crush ang isa't isa?"

"Ay me ganun! Nako po, ewan ko po. Bahala na po si Bro! Basta ang alam ko po kaibigan ko si Seth." Safe na sagot ni Dani.

"Seth, possible kayang magkakaroon ng magandang music kayong dalawa ni Dani in the future?"

Muling nagsmile lang si Seth pero di pa rin siya tinantanan ng mga reporter kaya sumagot na rin ito.

"Hindi natin alam pero sa ngayon eh binata ako, dalaga si Dani so who knows di ba? Malay nyo baka pwede. Sabi nga ni Dani, bahala na si Bro." makahulugang sagot ni Seth.

"Pero paano yan Seth eh merong Joey si Dani?"

"Gaya ng sabi ko, binata ako at dalaga siya so bahala na si Bro." sabay kindat sa mga ito.

At nasundan pa ito ng iba pang tanong patungkol sa ginawa nilang music video hanggang sa nagpromote na si Seth sa single niya at kumanta din ito sa kantang iyon.

Habang kumakanta si Seth at nakaupo sa harapan nito si Dani ay dahil na rin sa udyok ng mga reporters ay kinuha ni Seth si Dani at pina-upo sa inuupuan nito at kunyari ay hinarana.

Hindi magkamayaw ang mga nandun sa ka sweetan na pinapakita ni Seth sa dalaga. At nung matapos ang kanta ay nagrequest pa ang mga ito na magkiss si Seth kay Dani.

Dahil nakatingin sa kabilang direksyon si Dani at gayun din si Seth at nung sinabihan silang magkiss ng emcee ay sabay na lumingon ang dalawa at sa halip na sa pisngi lang ni Dani maglanding ang lips ni Seth ay dun ito napwesto sa lower lip ni Dani.

Sandaling na bigla ang dalaga pero she was quick to regain it back dahil na rin sa niyakap na siya ni Seth pagkatapos.

Something felt right after that kiss. Yun ang naramdaman ni Dani.

Something felt nice after that kiss. Yun naman ang nadarama ni Seth.

Chapter 15:

Pareho silang di pinatulog sa accidental kiss na iyon.

Si Dani habang nakahiga sa kwarto niya ay ilang beses ng dinama ang kanyang lips ng di namamalayan.

Si Seth nakatingin man sa kawalan ay ilang beses ding ngumingiting mag-isa pagnaalala ang nangyari kamakailan lang.

"Hi, watzup?"

"Hello. Haus lang. U?"

"La lang din. Ice cream???"

"Huh? When?"

"Now!"

"What?" pero bago pa masend ni Dani ang text ay may narinig na siyang doorbell. Nakapambahay lang si Dani pero wala pa rin siyang choice kundi bumaba.

Pagkabukas niya ng pintuan ay isang Seth na di magkandaugaga sa bitbit na ice cream at isang box ng pizza ang tumambad sa kanya. Natatawang pinatuloy ni Dani si Seth at pina-upo sa may dining area habang kumukuha siya ng kubyertos.

Natawa siya nung buksan nito ang pizza dahil super special man ito kaso wala namang green bell pepper.

"Aha! Walang bell pepper!"

"Syempre! Kaya super duper special yan!" hagikhik naman din ni Seth.

Masaya nilang pinagsasaluhan ang dala nitong pagkain habang nagkwekwentuhan ng kung ano ano.

Kahit tapos na silang kumain ay di pa rin sila umalis sa dining table at sige pa rin sila sa kwentuhan nang bigla na lang nag brown-out.

Napasigaw si Dani dahil takot siya sa dilim kaya dali-dali itong hinawakan ni Seth. He took out his cellphone para maguide si Dani to get the emergency light. They decided to transfer sa sala at ayaw iwan ni Seth si Dani hangga't di daw bumalik ang kuryente.

Tulog na ang kasambahay nina Dani at ang Mama niya ay nasa Cebu kasama ng mga kapatid nito.

Nakakabingi ang katahimikan ng paligid dahil nasa isang tahimik din naman na subdivision nakatira sila Dani. Umupo sina Dani at Seth sa may sofa habang hinihintay ang pagbalik ng ilaw. Tanging liwanag lang galing sa emergency light ang nakailaw pero bigla itong namatay dahil nakalimutan palang e-charge ng helper nila Dani. Akmang tatayo si Dani para maghanap ulit ng kandila pero pinigilan ito ni Seth at muling pina-upo.

"Hayaan mo na. Maliwanag naman ang buwan so ok lang." sabay turo nito sa pwesto malapit sa bintana kung saan may tumatagos ang liwanag galing sa kalawakan.

"Ok fine." Natatawang sabi ni Dani.

Muli na namang binalot silang dalawa ng katahimikan. Pero maya-maya lang ay pinausod ni Seth si Dani sa dulo ng sofa.

"Teka, bakit ba." Nagkakatakang tanong ni Dani pero nung matantya ang plano ni Seth ay nagmamatigas ito at ayaw umusod kaya bigla itong pinangko ni Seth at inilipat sa dulo ng sofa at mabilis itong humiga sa sofa na nakaunan sa legs ni Dani.

"Ang daya mo talaga. Naunahan pa ako. Dinadaan mo sa lakas eh." Himutok ni Dani.

Tila bingi lang si Seth na nakangisi at nakapikit. Tila kuntento lang itong nakaunan sa kandungan ni Dani. Pero di pa rin pala ito nakuntento, inabot nito ang braso ni Dani at niyakap na parang manipis na unan.

Napapailing na lang si Dani sabay tawa ng mahina sa pag-aastang bata ni Seth. Muli ay nagkaroon na naman ng katahimikan. Taas baba ang paghaplus ni Seth sa braso ni Dani.

Makalipas ng ilang sandali, nasa estado na si Dani sa pag-idlip nung biglang naramdaman niyang parang unti-unting parang tila hinihila ni Seth ang mga braso niya o mas tamang sabihin yung katawan ni Dani palapit dito.

"Ano ba yang ginagawa mo?"

Hindi sumagot si Seth pero tumayo ito at sa isang iglap ay namalayan na lang ni Dani na nakahiga na rin siya sa tabi nito. Nagkasya silang dalawa sa maliit na sofa pero dahil sa kalikutan ni Dani at sa hindi nito mapigilang kakatawa ay biglang bumagsak si Seth sahig.

"Aray ko! Ang likot mo kasi." Complain ni Seth.

Mas humalagpak ng tawa si Dani sa nasaksihan. Dali-daling tumayo si Seth at kiniliti si Dani para makabawi dito.

Palaban din si Dani at ganting kinikiliti din si Seth. Nahawakan ni Seth ang dalawang kamay ni Dani para makaiwas sa pangingiliti din nito nung bigla itong natigilan at napatunghay sa mukha ni Dani halos wala pang isang dangkal ang pagitan sa mukha nito.

Hinawakan ni Seth ang dalawang kamay ni Dani sa isa niyang kamay habang ang isang kamay ay unti unting lumandas sa pisngi ni Dani. Natigilan si Dani sa kakagalaw at biglang nagfreeze sa ginagawa ni Seth.

"Seth please let..."

Hindi na natapos ni Dani ang sasabihin dahil Seth covered her mouth with his. Banayad nitong hinahalikan si Dani. He let go of her hands and cupped her face with his.

Ang dating banayad na halik ni Seth ay naging mapaghanap at pilit na binubuhay at pinaparesponde ang nashoshock pang si Dani.

Gusto sanang magsalita pa muli ni Dani pero Seth silenced her by deepening his kiss. Nawala na rin sa huwisyo si Dani at namalayan na lang niyang tumutugun na din pala siya sa halik ng huli.

Kinuha ni Seth ang mga kamay ni Dani and he encircled it in his neck as he embraced her tightly as well but not letting go of her lips. Their kissed deepened some more. Nasa ganoong huwisyo sila nung may ilaw sa isang flashlight na galing sa kusina ang paparating kaya pareho silang natigilan at biglang naghiwalay at umayos ng upo.

"Ate, brown-out pala. May narinig po akong may malakas na bumagsak. Ok lang po ba kayo Ate?" nag-aalalang tanong ng kasambahay ni Dani.

Napatawa ng malakas sina Dani at Seth dahil sa sinabi ni Inday.

"Wala Ate Inday. Ok lang po. May nahulog lang po sa sofa kanina. Matulog na po kayo ulit. Ako na po bahala dito." Nakangising sambit ni Dani.

"Teka po, bakit di niyo ginamit ang emergency light pala? Ikuha ko na lang kayo ng kandila muna." At bigla itong nawala bago pa mapigilan ni Dani.

Nagkatinginan silang dalawa ni Seth at muling

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Net