Bubbles and Bees

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Bubbles and Bees

By: Athena Manzano - Tan - acheena21

(Disclaimer: Ang lahat ng pangyayari sa kwentong ito at pawang kathang-isip lamang ng may-akda at walang basehan sa mga totoong pangyayari. At hindi na hawak ng may akda kung sakali mang may mga naisulat sa kwento at nangyayari bigla sa totoong buhay. The fiction contains matured scenarios kaya patnubay sa magulang ang kinakailangan para sa mga readers na under 18. Minors, please be responsible in reading this fanfic. Screen capture used in the cover is from Good Vibes tv series of ABS-CBN.)

Chapter 1:

"You know what's the difference between an immature love and a mature love?"

Iling ang isinagot ng babae.

"An immature love says I love you because I need you while a mature love is I need you because I love."

The statement from the Radio Romance movie from way back struck her. Nakatitig lang si Daniella or Dani sa screen habang pinapanood ang palabas sa Cinema One. Huminga siya ng malalim para pigilan ang pagbabanta ng mga luha sa pagtulo.

Naawat ang tuluyang pag-eemote niya nung tumunog ang cellphone. Dinampot niya ito sa tokador at sinagot.

"Hello?" sabay singhot.

"Are you crying?"

"Ha? Hindi ah."

"You're lying."

"Hay nako! Oo na I am crying! Maligaya ka na?" pagtataray niya sa kausap.

"Hey! Easy! Easy! Nagtatanong lang eh. Saan ka?"

Isang singhot ulit ang pinakawalan at nagblow ng ilong para mawalang tuluyan ang bumabara.

"Ano ba yan! May kausap ka sa phone. Kadiri ka ha!" sigaw ng kausap sa kabilang linya.

"Che! Pakialamero to. Nasa bahay lang ako at nanunuod ng tagalog movie. Bakit?"

"Di ka ba pupunta ng rehearsal?"

"Mamaya pa siguro kasi hinihintay ko pa sundo ko eh."

"Daanan na lang kita. Baka malate ka na naman. Lagi na kayong late lately eh. Sabihan mo na lang siya na dun na kayo magkita sa studio. Be there in 15 minutes." At bigla na lang nawala ito sa linya.

"Aba'y tama bang di man lang ako binigyan ng pagkakataong sumagot!" himutok ni Dani pero on the brighter side, tama nga ito kasi lately lagi silang nasasabon ng trainer/mentor nila dahil ilang beses na silang late dumarating sa rehearsal. Lagi kasi siyang late sinusundo ni Joey. Masydo itong maraming lakad.

Bumuntunghinga na lang si Dani at nagsimulang maghanda para sa pagpunta sa practice.

Pagkaraan ng humgit kumulang labing limang minuto ay may bumusina na ng pamilyar sa kanyang pandinig kaya dali-dali siyang lumabas ng bahay para sumakay sa sumundo.

"Ready ka na?" tanong nito sa kanya.

"Yup. Tara na! Pero drive thru tayo bahay mo ha! Gutom ako eh!" tudyo niya dito.

Napangiti ang kausap nung sabihin niyang bahay nito. Iisa lang naman ang ibig sabihin nun. Dadaan sila sa Jollibee na tinagurian niyang bahay ng kasama dahil ilang commercial din ang nagawa nito sa naturang kainan.

Tiyempo namang biglang tumugtug ang jingle sa radio ng Jollibee na siya din ang kumanta at sinabayan ito ni Dani sa pagkanta with actions.

Napailing na ang katabi sa ginawa ng kaibigan at muling itinutuk ang konsentrasyon sa daan.

Nasa drive thru na sila at mag-uumpisa ng mag-order. Pagkatapos nitong magbayad ay may inabot na papel at ballpen ang cashier at kinikilig itong nagsabi ng...

"Seth! Pa-autograph!!!!!!"

And he gladly obliged!

Chapter 2:

"Why are you with him again? Hindi nga ba sinabi na namin sayo to stick with the rules!" galit na sambit ng handler ni Dani sa kanya.

"Sorry po Ate. Sinundo lang niya ako sa bahay kasi paghihintay ko daw si Joey eh baka malate na naman ako at mapagalitan."

"Kahit na magtaxi ka, magtaxi ka na lang kesa sa sumama ka sa kanya. Di nga ba klaron na ang sinabi na dumikit ka lang lagi kay Joey para tumibay yung partnership niyo. Paano pa kayo mapapansin niyan kung dikit ka ng dikit sa kanya." Sabay turo nito kay Seth na nagsestretching.

"Ate kaibigan ko po si Seth at tumutulong lang po siya. Hindi ko din po macontact si Joey. Kanina pa po ako tumatawag sa kanya. Ilang beses na din po kaming nalate sa rehearsal at natatakot na akong mapagalitan." Pag-eexplain pa rin ni Dina sa handler. Siya mismo ay ayaw niyang iwasan si Seth gaya ng sinabi nito. Wala siyang makitang dahilan para iwasan ito.

"O siya sige, magstretching ka na at galingan mo ha. Don't disappoint me and please lang follow what I told you."

Isang buntunghininga na lang ang pinakawalan ni Dani bago sumali sa grupo at naghintay ng cue galing sa choreographer.

"Are you alright?" tanong ni Seth sa kanya nung mapansing malungkot ang mukha nito.

Tumungo lang si Dani kasi naiiyak na siya talaga. Nahihirapan na siya sa gusto ng handler nila kasi di naman cooperative masyado ang kanyang partner. Gaya ngayon, wala pa ito. Dapat mag rehearse sila ngayon sa sayaw nila na sila magkapartner kaso wala pa rin ito.

"Alright ladies and gentleman. Let's start. Go to your respective position and let's take it from the start" pagbibigay instruction ng choreographer nito.

"Seth, dito ka sa harap. Pakibigyan ng microphone si Seth. Kayo naman, be ready with your partners." At masusing tiningnan nito ang mga naroon nung mapansing wala pa rin si Joey.

"Dani, nasaan na naman ba ang partner mo? Aba'y pasaway kayong dalawa ha. Lagi na lang kayong late!" at nadamay pa si Dani sa inis nito.

"How can you dance if wala kang partner. Paano yung liftings mo. This is supposed to be a tandem. Ano ba yan! Paghindi pa rin magpapakita yang partner mo Dani, mapipilitan akong huwag kayong isali sa sayaw na ito." Galit na sambit ng choreographer.

Tuluyan ng napa-iyak Dani sa maaring mangyari sa kanya. Gustong gusto niyang sumayaw. At pinaghihirapan niya na makasali sa production na ito. She's on the top of the list and was the favorite amongst the judges. Isang comment pa nga sa kanya ng isang judge ay may future siya sa ganitong industry.

"Kayo kung di kayo seryoso sa trabaho niyo, then quit! Nakakainis yung mga nasasayang nating oras! From now on ang sino mang pasaway ay di ko na isasama. At ikaw Dani, you better talk to Joey if you still want to remain in your spot!"

Pinahid ni Dani ang mga luha pero determinado pa rin siyang sumayaw ke may partner man o wala. She held her head up high and prepared for her cue.

Lumapit si Seth sa choreographer at may pinag-usapan ang dalawa tapos tumatango tango ang choreographer at bumalik na rin si Seth sa pwesto niya bago siya kinindatan.

"O Dani huwag ka na umiyak. While waiting for your partner to arrive, Seth will take his place for the meantime para makadiretso tayo. Buti na lang mabait itong si Seth. Ok guys position now."

At nag-umpisa na nga silang sumayaw. Dani gave her all in dancing and di na muna kumanta si Seth at sila na muna nagpartner. Tumatango tango ang ibang members ng choreo team nung makita ang tandem nila sa pagsayaw. Dani made sure na di siya magkamali at dahil kumportable naman siya sa kaibigan ay walang inhibitions sila sa pagsasayaw.

Pagkatapos ng kanilang number ay napapalakpak ang choreographer sa outstanding performance ng team at binigyan sila ng 15 minutes water break.

Nagmamadaling umalis si Dani sa lugar at muling pinakawalan ang kanina pang pinipigilang pag-iyak. Hindi nakalampas sa mga mata ni Seth ang nangyari sa kaibigan kaya sinundan niya ito.

Nasa emergency exit si Dani and she was trying to catch her breath para pakalmahin ang sarili habang pinapahiran din ang mga luhang tumutulo.

"Hey, are you alright?" alo ni Seth sa kaibigan.

Yumakap si Dani kay Seth to seek comfort at humagulgul. Niyakap rin siya ni Seth para aluin.

"Tahan na. Pagpasensyahan mo na lang si Ate Joy. She's just upset and pressured. Malapit na kasi ang performance natin."

"Di ko naman kasalanan na wala si Joey ah. Pero anong mangyayari kung aayawan na nila si Joey. Paano ako?" at muling napaiyak si Dani sa alalahaning iyon.

"Hey! Hey! Don't worry about it. Napakagaling mo para ayawan ka nila." Hinawakan nito ang buhok ng kaibigan at hinawi ang mga buhok na tumatabing sa mukha nito.

"Eh paano yung sinasabi ni Ate Joy kanina?" parang batang takot na takot si Dani na nakayakap pa rin sa beywang ni Seth.

Hawak pa rin ni Seth ang mukha ni Dani at palibhasa matangkad ito sa kaibigay kaya naka tingala si Dani at nakatungo naman si Seth.

"Akong bahala sayo. Trust me. Let me handle it ok? So hawak ka ng umiyak. Sayaw lang ng sayaw. Just give it your best ok?" at tiningnan siya nito eye to eye saka piningot ang ilong.

Dani grinned at muli itong niyakap ni Seth and he patted her back at hawak beywang silang bumalik sa dance studio.

Chapter 3:

Biglang napabitiw si Dani nung makita niyang masama ang tingin ng handler sa kanila pero hinawakan siyang ni Seth at lumapit ito sa mga fans na nandun para manuod ng rehearsal nila.

Nung nagrequest ang mga fans ng picture nilang dalawa at dahil dun ay inakbayan siya bigla ni Seth na mas lalong ikinadidilim ng handler ni Dani.

Kinabahan man si Dani ay di rin niya kayang ipahiya si Seth at ang mga fans na likas na mabait sa kanya.

Matapos ang picture taking at nag-umpisa na ulit ang rehearsal ay nagpaalam na sina Seth at Dani sa mga fans.

Akbay pa rin ni Seth si Dani papunta sa loob at dun niya nakita na nandun na pala si Joey. As usual para wala lang para dito na di umabot sa first half ng rehearsal.

At instinct ay nabitiwan agad ni Dani ang kamay na Seth na nakahawak sa kanya nung matantong masama ang titig ni Joey sa kanila.

Napailing na lang si Seth sa ginawa ng kaibigan at hinayaan ito at bumalik na pwesto niya.

Mukhang may sumpong na naman ata si Joey kasi di naman siya kinikibo nito. Kibit balikat na lang din si Dani at pumwesto na sa dancefloor.

Yun nga lang din isang pakunswelo kay Joey kasi magaling itong sumayaw kaya kahit ngitngit na ngitngit na ang choreographer ay napapalakpak pa rin ito pagkatapos.

Natapos na lang ang rehearsal ay di pa rin siya kinikibo ni Joey. Masusi lang siya nitong tinititigan habang nagpapalit ng sapatos tapos walang pasabing umalis ito.

Hinabol ni Dani si Joey at pilit kinakausap.

"Joey, hintay. Ano bang nangyari sayo?"

Joey didn't slowdown bagkus mas binilisan pa rin nito ang paglalakad. Pero nahawakan siya ni Dani kaya napahinto ito.

Habol ang hininga pero di pa rin binibitiwan ni Dani ang braso ni Joey.

"Joey, ano ba ang problema. Galit ka ba?" she said in between breath.

"You don't know how to follow instruction!" sa wakas ay nagsalita na rin ito.

"What? Paano?" confuse pa rin si Dani.

"Didn't I told you to wait for me because I will fetch you? Pagdating ko sa inyo wala ka na. How could you do that to me?" galit na sambit ni Joey sa kanya.

"Tinawagan kita but your phone just kept on ringing. Nagtext ako sayo na hindi na ako papasundo kasi baka malalate na naman tayo. Lagi na lang kasi tayong nalalate at galit na galit na si Ate Joy. Pinagalitan nga ako kanina kasi wala ka daw."

"Serves you right. Dapat kang pagalitan kasi you ditched me. Tsaka di ba sabi ni Ate K sayo na huwag kang dikit ng dikit kay Seth pero look what you guys did, damn! Nakaholding hands pa kayo!"

"Seth is my friend!" depensa ni Dani sa kaibigan.

"Yeah Seth is your friend kaya dun ka na dumikit. Might as well call off this stupid love team!" at binirahan na nito ng lakad palayo kay Dani.

Napa-upo si Dani nung naramdaman ang pagweaken ng mga binti. She covered her face with her hand and started sobbing. Sa totoo lang ay nahihirapan na talaga siya sa sitwasyon nila ni Joey. Temperamental ito at palibhasa mayaman kaya he's not taking his job seriously. Malakas din ang kapit nito sa network kasi pamangkin ito ng isa sa mga executives.

May nag-abot kay Dani ng panyo at itinayo siya at binitbit sa exit.

Chapter 4:

"Thank you." Sabay pahid ng luha gamit ang panyong binigay sa kanya.

"Tahan na Dan, hayaan mo na muna yun. Pagnahimasmasan yun babait din yun."

"Pagod na pagod sa kakaadjust sa mood niya Ate K."

Si Ms. K ang handler nilang pareho. Kahit nainis ito kay Dani kanina pero di rin naman siya kayang tiisin nito.

"Dani, seryoso din ako sa sinasabi ko kanina patungkol sa inyo ni Seth. Gagawin daw kayong official loveteam na so kailangan you guys should stick together. Ikakaganda ito ng career mo kaso paglagi kang nakadikit kay Seth ay di makakatulong sa inyong dalawa ni Joey iyon. Macoconfuse ang mga fans." Pagpapaliwanag ni Ms. K.

Muling tumulo ang mga luha ni Dani dahil di niya maatim na iwasan si Seth kasi in him he found a friend.

"Naintindihan ko na magkaibigan kayo ni Seth pero pagbigyan mo muna ang gusto ng management na magconcentrate ka sa loveteam niyo ni Joey."

"Halika na, sumabay ka na sa akin. Joey is waiting for us sa restaurant. Mag-usap tayong tatlo on what needs to be done." Pagpapatuloy ni Ms. K.

Tumango lang si Dani at muling pinahiran ang mga luha at bumalik sa studio para kunin ang mga gamit.

Nadatnan niya si Seth dun na sadyang hinihintay siya.

"Are you alright?" tanong nito sa kanya at dahil nakatungo siya ay inangat nito ang kanyang mukha.

"You're crying again." Puna nito sa kanya.

Pilit iniiwas ni Dani ang mukha sa hawak ni Seth at tinutuk ang atensyon sa pagliligpit ng gamit.

"Alis na ako." Mahinang sambit ni Dani.

"I'm taking you home."

"Huwag na Seth. Sasama ako kay Ate K. May meeting pa kami." Tangi ni Dani sa offer ni Seth.

"Sure ka? Call you later ha."

Tumango lang si Dani. Gulong-gulo ang isip niya at di siya makapag-isip ng maayos. Lumong-lumo siyang umalis sa dance studio at ni lumingon sa kaibigan ay di niya ginawa.

Naiiling na rin si Seth sa aksyon ng kaibigan. Alam niyang may problema ito. Bumuntunghininga na lang si Seth bago binitbit ang bag para lumabas sa studio.

***************************************************

"Are you alright?"

Tiningnan lang ni Dani ang message na nakapaskel sa cellphone pero hindi niya ito sinagot.

Tumugtug ang Jollibee theme pero di ito sinagot ni Dani. Alam niya kasing si Seth ang tumatawag. Nagpasya na si Dani na iiwasan na muna si Seth matapos silang masinsinang kausapin ni Ate K ni Joey.

Ang instruction na binigay sa kanilang dalawa ay dapat lagi silang magkadikit at lahat ng functions dapat magkasama sila. At binigyan ng specific instruction si Dani na iwasan ng tuluyan si Seth.

****************************************************

Di na muling nakita ni Dani si Seth kasi tumulak ito sa US para sa kanyang concert kasama ng ilang artist ng Star Magic. Naimbitahan ang mga Star Magic singers na magperform sa Las Vegas para sa mga Filipino community dun.

Bago tumulak papuntang US si Seth ay nagka-usap sila dahil pinuntahan talaga siya nito sa bahay.

"What is wrong? Bakit iniiwasan mo ako?"

"Seth sorry. Management's order. Kailangang iwasan daw muna kita kasi threat daw sa loveteam namin ni Joey."

"I see. Pero magkaibigan tayo di ba? Bakit kailangang umiwas sa isa't isa?" naguguluhang tanong ni Seth sa kanya.

Kibit balikat lang ang naisagot ni Dani sa sinabi ni Seth. She's trying to maintain her composure and tried showing na di siya apektado pero deep inside her, gumuguho ang kanyang mundo dahil alam niyang nasasaktan din ang kaibigan.

"Oh well! Sabi nga di ba, the show must go on so this is it. This is good-bye my friend." Sabay lahad nito sa kamay.

Nakatungo lang si Dina at tuluyan ng natibag ang kanyang coldness at tumulo ang mga luha. Ni pag-abot sa kamay ni Seth ay di na niya nagawa.

Sabi ng isip ni Seth na umalis na pero sabi ng puso niya'y yakapin si Dani. Nanaig ang dikta ng puso kasi niyakap nito si Dani. At sa muli, Dani cried in Seth's arms. Pareho silang nag-iyakang magkaibigan.

Nanatili sila sa ganung posisyon hanggang totohanan ng nagpaalam si Seth. Pagkaalis ni Seth ay muling napaiyak si Dani.

Chapter 5:

Matuling lumipas ang mga araw at ang nakatakdang pagstay ni Seth para sa Star Magic concert na isang buwan lang ay na extend ito ng ilan pang buwan dahil may isang international record company na nag-offer to co-manage him para sa kanyang international career at kasama sa kontrata ang pananatili ni Seth sa ibang bansa para gumawa ng album at magpromote nito.

May communication naman silang dalawa ni Dani pero di ganun ka dalas gaya ng dati dahil pareho silang naging busy.

Sina Dani at Joey ay umaarangkada na rin ang career. Nabigyan sila ng pagkakataong sumali sa isang soap opera at nagkaroon pa sila ng movie. Dumarami na rin ang followers nilang dalawa at kabi-kabila ang mga guestings at shows kaya sobrang busy na rin si Dani. Infact, laging sa sasakyan na lang ito natutulog dahil bukod sa soap opera na regular na shinoshoot ay may isa pa silang movie na ginagawa.

"We love you Joe-Elle!" ang tuwinang sigaw ng kanilang mga fans pag naguguest sila sa mga shows or pagsasayaw o kakanta sila sa isang Sunday show.

Pero kung ano mang kinasweet nilang dalawa infront sa mga tao ay minsan kabaliktaran ito sa totoong buhay dahil, pag naka-off na ang mga camera, si Joey ay malimit lumalabas ng mag-isa at dahil na rin sa pagod ay tinutulog na lang lagi ni Dani ang mga nalalabing oras na pwedeng magpahinga.

"Alam kong pareho kayong inimbita ni Analeen sa kanyang birthday this weekend at alam ko rin na as usual ayaw mo na naman pumunta Dani but it's out of the question kung pupunta ka ba o hindi kasi kailangang nandun ka. May movie kayong lalabas next month and I need you both to be visible at laging magkasama." Pagbibigay instruction ni Ate K sa kanila.

"Ate, pass na lang ako. Inuman yun eh at puyatan. Gusto ko sana magpahinga." Pagsusumamo ni Dani.

"Dani, huwag na matigas ang ulo. Magpakita ka lang dun at umalis na rin pagkatapos."

"Dan, we've been working so hard and ano ba ang magpakita ka lang dun at makijoin sa fun. Is that so hard to do? Jesus!" galit na sambit ni Joey.

"Hindi naman sa ganun pero nakakapagod lang kasi..." di na natapos ni Dani ang sasabihin kasi kinut siya ng handler at pinaalalahan ulit sa agreement nila.

Walang nagawa si Dani kundi pumayag. Naghihihumutuk si Joey na kesyo maarte daw siya masyado at kill-joy pa at binirahan agad nito ng tayo palabas sa resto kung saan sila kumain at nagyosi sa labas.

"Pagpasensyahan mo na yang ka loveteam mo Dani. Sumpungin

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Net