Trilogy: I Knw Wer Cool (part 1)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

I Know We're Cool

By: Athena Manzano - Tan - acheena21

(Disclaimer: Ang lahat ng pangyayari sa kwentong ito at pawang kathang-isip lamang ng may-akda at walang basehan sa mga totoong pangyayari. At hindi na hawak ng may akda kung sakali mang may mga naisulat sa kwento at nangyayari bigla sa totoong buhay. The fiction contains matured scenarios kaya patnubay sa magulang ang kinakailangan para sa mga readers na under 18. Minors, please be responsible in reading this fanfic. )

Chapter 1:

"Mam, your meeting in the boardroom in ten minutes." Paalala ng secretary niya.

"Ok. Sino nga ulit ang kameeting ko and ano agenda?" tanong naman niya.

"Si Big boss po Mam ang nagpatawag at wala pong sinabi kung ano agenda." Matipid na sagot nito.

The big boss means the president of the company where she is working. The big boss also means her fiancée.

Napatango lang si Mariel. Although she's wondering kung anong pagmemeetingan kasi walang agendang sinabi ang sekretarya at wala ding nasabi ang kasintahan sa kanya.

Pumunta siya sa comfort room na nasa loob din ng kanyang opisina to freshen up. After a few minutes, she headed towards the elevator para pumanhik sa conference room.

Siya lang mag-isa ang nasa elevator. May nalanghap siyang pamilyar scent ng perfume. That scent brought shiver to her spine and brought a sly smile on her face. How she missed that distinct smell.

Tumunog ang bell hudyat na dumating na siya sa floor kung saan gaganapin ang meeting. She's back to her serious self.

Nasa loob na ang mga kameeting ayun sa secretary ni Big Boss. Tumango lang siya at pumasok na sa conference room matapos itong bigyan ng matipid na ngiti.

"O Hon, you're here na pala." Ang bati sa kanya ni Big Boss.

"They'll be here anytime soon. Please have a seat." Sabay turo ni Big Boss or kilala din as Miguel sa kapamilya at mga taong malapit dito.

Miguel is a stern boss at masyado din itong seryoso na tao. He hardly smiles pero di pa rin maikakaila ang kagwapuhan nito. He has striking eyes that would surely melt the ladies heart if he smiles.

"What's this meeting all about?" di na rin siya nakatiis at tinanong ito sa pagmemeeting. The last thing she wants is to go to a meeting na wala siyang alam sa pag-uusapan.

OC or Obsessive-Compulsive sa trabaho si Mariel. She wants to be prepared of the battle at all times. She cannot afford to make a mistake. Pinakaayaw niya sa lahat ay ang magmukhang tanga.

"Nothing really serious. The new head for our overseas branches will be introduced. He will be here to know the in and out of the business. By the way, he will be working closely with you. I want you to be the one to guide him." Ani ni Miguel

Tumango lang si Mariel. What's new about it. Yun ang trabaho niya. She's the vice-president for business development so she knows the business quite well and she's the right person to talk to.

Umupo na siya and got busy reading and answering email thru her Blackberry. Hindi niya namalayan ang pagpasok ng hinihintay na magiging kameeting nila.

Nasinghap na naman ni Mariel ang pamilyar na amoy na iyon and she can't help herself na samyuin ang amoy na iyon at hindi niya namalayan na napapikit siya.

"Ms. Concepcion, Ms. Concepcion... Mariel." Tumikhim pa si Miguel habang tinatawag siya.

Biglang napadilat si Mariel at nanlaki ang kanyang mata sa nakita.

"Mariel, meet our new head for overseas operation, Mr. Simon Santos." Pagpapakilala ni Miguel sa bagong dating kay Mariel.

Parang napako si Mariel sa inuupuan sa nakita but she was quick to regain her composure back and flashed her usual smile and extended her hand to Simon.

Maging si Simon ay nashock din pagkakita sa kanya. He flashed his signature bedimpled smile to this girl who's very familiar to her.

"Mariel! It's nice to see you again." Nakangiting sambit ni Simon habang tinatanggap nito ang kamay na inixtend ni Mariel.

"Simon, it's been years."

Parang may kuryenteng sumapi sa kanilang dalawa sa muling pagdaup ng kanilang palad matapos ang ilang taong di pagkikita.

"You know each other?" tanong ng bagong dating na sumulpot sa likod ni Simon.

Naging hudyat iyon para bitawan ni Mariel ang kamay ni Simon.

"You know each other?" Ulit na tanong ni Celine na kapatid na doktora ni Miguel. "Hi Baby, sorry I was late. Got tied up in the hospital again." Sabay halik sa pisgi ni Simon at ipinulupot ang braso sa beywang nito. "Hello Mariel." At bumeso din ito kay Mariel at muling ipinulupot ang kamay sa beywang ni Simon.

"Yeah, I've know Mariel before I went to the States." Pagpapaliwanag ni Simon pero hindi pa rin mawalawala ang ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi.

"That's awesome Baby. Atleast you won't be having a hard time learning the intricacies of the business kasi Mariel is very good. And by the way Baby, Mariel is my soon to be sister-in-law. She'll be tying a knot with the most eligible bachelor na super pogi pag magsmile sana na brother ko." Sabay kindat kay Miguel na nagpang-abot na ang kilay sa ginagawa ng kapatid.

"Ok enough with this chitchat. Let's get down to business. Everyone, let's take our seats now as we start this meeting." Seryosong sambit ni Miguel.

Ikot mata at taas kilay na lang ang ginawa ni Celine at umupo na din ito sa tabi ni Simon. Si Mariel naman ay bumalik sa kanyang pwesto na iksaktong nasa kabisera ni Simon.

Habang nagprepreside ng meeting si Miguel at iniexplain nito ang mangyayari sa kumpanya ay hindi maiwasan ang mga nakaw na sulyap nina Mariel at Simon sa isa't-isa. Nung minsang nagpang-abot ang kanilang mga tingin ay pasimpleng kinindatan ni Simon si Mariel na dati pa nitong ginagawa many years ago. Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Mariel at inilipat ang tingin kay Miguel.

Bumuntunghininga si Mariel at muling binalikan ang nakaraan.

Chapter 2:

10 years ago.

"Ate, sige na. Payag ka na please. Tsamahan mo na ako sa partying yun. Please!!!!" pangungulit ng pinsan ni Mariel na si Babe na samahan siya nitong pumunta sa gustong puntahan nito.

"Ano ba Babe, tigilan mo nga ako. Ayokong sumama dun." Tangi pa rin ni Mariel sa pinsan. Gusto nitong mag-attend sila ng speed dating na event na inorganize ng isang kaibigan ni Babe na si Vannie.

"Ate naman tsige na po! Sama na ikaw!" at pumulupot na ito sa kanya na parang linta para lang talaga mapapayag ito sa gusto. Spoiled sa kanya ang pinsan at minsan minsan lang talaga niya ito tinatangihan.

"Ayoko!" matigas pa rin sa pagtangi ni Mariel at binarahan ng alis ang nagsusumamong pinsan.

*******************************************************

"Wow ang daming tao pala! Ang tsaya-tsaya!" napapalakpak na sambit ni Babe.

Bumuntunghininga lang si Mariel. Wala din siyang nagawa. Di rin niya natangihan ang pinsan. Inaraw araw siya nitong sinusuyu hanggang pumayag siya.

Medyo marami-rami din ang mga participants sa speed dating na iyon. Allergic si Mariel sa salitang speed dating kasi she felt so desperate para sa ganito. She never had a boyfriend yet and she's already 20 years old. Maraming nanligaw pero di naman niya nagugustuhan. May hinahanap siyang kuryente kung tawagin.

Men of all sizes and races are there so as the women. Hindi pala pipitsuging speed dating itong naattendan nilang magpinsan. Well hindi nga talaga kasi knowing Babe's friend Vannie. She's infact a daughter of a politician kaya marami itong connection.

"Ate, ang cute nung isang yun oh." Sabay turo ni Babe dun sa isang kumpol ng lalaking matatangkad na nasa bandang harap nila.

"Umayos ka nga pwede ba!" Sabay hila nito ng damit niya na pinangigilan nito.

"Ate naman, smile ka na. Who knows baka dito mo na makita si Prince Charming mo. Who knows baka makuryente ka dito. Ikaw din!" nakabungisngis na sabi Babe sabay kindat sa pinsan.

Ikot-mata sabay iling na lang ang naisagot ni Mariel.

"Babeeeee!!! There you are. Thanks for coming ha! Hi Mariel!" masayang bati sa kanila ni Vannie matapos sila nitong ibeso.

"Halina kayo guys, dun na tayo sa side ng mga babae. This is going to be fun! Nakita niyo ang mga boys? Ang cute nila di ba. Hay nako di naman ako pwedeng sumali kasi ayan oh nakita niyo yung bantay ko?" nakalabing sabi ni Vannie. Nandun kasi ang boyfriend nito kaya di talaga ito pwedeng sumali.

"Pero the most important is kayong dalawa. Sana meron kayong makita dito tonight!" Kinikilig na sambit nito.

Pagka-upo nina Mariel at Babe ay siya namang pag-umpisa ng programa.

"Ladies and Gentlemen, please settle down now. We're about to start our activity." At nagpatuloy na ang celebrity host sa pagwelcome at pag-explain sa kanila ng mechanics ng meet and greet na iyon.

All the ladies will be seated in the inner part of the tables while the men will be in the outer part since they will be the one to circulate. Each participant will be given 3 minutes to talk and once the bell will ring then it's time to move on. Dapat walang pwersahan kung baga and everyone was instructed to have fun.

From a far ay may isang nilalang na kanina pa sinusundan ng tingin si Mariel. He find her so cute in her white dress and he can't wait na dumating ang time na sila na ang magkakaharap. Pero laking himutok niya nung matantong 2nd to the last niyang makasalumuha ang babaeng kanina pa tinitingnan

Nag-umpisa na sa wakas ang "speed dating" at magkasunod sila ni Babe ng upuan. Ang inaakala ni Mariel dati na di siya mag-eenjoy ay nagkamali siya. She's having the time of her life. Minsan kinikilig siya sa mga nakakasalamuha. Meron din natatawa siya. Pero syempre di pa rin mawawala ang mga boring na kausap pero dahil mabilis naman so naeexcite siya sa maaring mangyari sa susunod.

Pero sa lahat ng nakadaupang palad ni Mariel ay wala pa rin siyang ni isa sa mga ito na naramdamang kuryente kung tawagin until dumating ang lalaking kaharap niya ngayon. Ang lalaking may magandang ngiti. Ang lalaking pagkalapat pa lang ng kanilang kamay ay tila may kuryenteng dumapo pareho sa mga kamay na parehong at parang tumigil bigla ang mundo dahil pangyayaring iyun.

Chapter 3:

"Hi I'm Simon." Pagpapakilala ni Simon sabay ngiti. Lumitaw ang mapuputing mga ngipin nito at not so visible dimples just within his cheekbone lines. Nacucutetan si Mariel sa malalaking front teeth ni Simon.

"I'm Mariel" and she smiled shyly.

Pareho silang natigilan sandali nung parehong naramdaman ang kuryenteng dulot nung magkadaupang palad. At muling napangiti sa isa't isa.

Their conversation when well. May mga guide questions na binigay ang organizers that were basic informations for them to know the details of each participants. If there will be enough time, that's the opportunity they will be discussing about other things.

Medyo napaganda ang usapan ni Mariel at Simon at naputol iyun nung marinig nila ang bell.

"It's nice knowing you Mariel."

"Same here Simon"

"Can we talk after this exercise?" seryosong tanong ni Simon.

Ngiti lang ang nagawang isagot ni Mariel dahil kinailangan na talagang tumayo ni Simon. Bago ito tumayo ay muli silang nagkamay at gayun pa man ay nandun pa rin ang naramdamang kuryente although hindi na kasing tindi nung una.

Nung matapos ang meet and greet na iyon ay natransform ang area kung saan ginanap ang meet and greet to a party area. The big tables were replaced with cocktail tables. This is the real meet and greet party.

The participants were given an opportunity na makisalamuha sa mga nakilala kamakailan lang.

Mariel was standing in one of the cocktail tables alone kasi si Babe lumabas sa maingay na venue sandali para tanggapin ang tawag sa cellphone.

She was simply watching kung ano ang mga nangyayari while sipping the margarita she is holding.

She can't believe na may ganito pala talagang mga activity. And nung una ay iniisip niyang ang aktibidad na ito ay aksaya lang sa oras pero somehow nag-iba ang kanyang pananaw dahil inaamin niya na nag-enjoy siya sa gabing ito.

Aaminin man niya o hindi ay kanina pa hinahanap ng paningin niya ang lalaking naka-usap kanina na nagbibigay kuryente sa kanya. Pasimple ang ginagawang paghahanap ni Mariel at di siya nabigo dahil nakita niya si Simon na ganun din pala ang ginagawa. Ang hanapin siya.

At tila nakiayon sa kanila ang tadhana dahil sa wakas ay muling nagkatagpo ang kanilang mga titig.

Simon held his glass up and gave her a sign of cheers. Tumango siya and raised her class to acknowledged it. They were both sipping their respective glasses but di pa rin iniwan ang titig sa bawat isa.

Clearly may namumuong atraksyon sa kanilang dalawa base sa mga titig at simpleng ngiting binibigay nila sa isa't-isa.

Hindi na rin nakatiis si Simon dahil papalapit na ito sa kinaroroonan ni Mariel. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Mariel. Hindi iniwanan ng tingin ni Simon si Mariel habang ito'y naglalakad at gayun din si Mariel habang hinihintay nito ang pagdating ni Simon.

Pero bago pa makarating si Simon ay humahangos namang bumalik si Babe. Halatang galing ito sa pag-iyak.

"Babe, anong nangyari?" nababahalang tanong ni Mariel sa pinsan.

"Ate, kailangan ko na umuwi. Sinugod sa ospital si Mama. Nahulog daw sa hagdanan at nawalan ng malay." Naiiyak na sambit ni Babe.

"Halika na. Umalis na tayo dito at dumiretso na tayo sa ospital." Pagmamadaling nagligpit ni Mariel.

Wala sa loob na tumatango tango lang si Babe at di pa rin ito maawat sa pag-iyak.

Papaalis na sina Mariel at Babe nung makarating si Simon kung saan sila nakatayo.

"Hi, uwi na kayo?"

"Hi, yeah. May emergency lang sa bahay nila Babe."

"Can I see you again?" tanong ni Simon kay Mariel.

Bago pa makasagot si Mariel ay napansin niyang muling napaiyak si Babe at nagsimula ng maghisterya.

"Babe, bakit?"

"Ate, sumuka daw ng dugo si Mama." Naiiyak na sambit nito.

"Tara na. Simon, I'm so sorry. We have to go." Mabilis na pagpapaalam ni Mariel dito without even answering his question.

Napabuntunghinga na lang si Simon at tinatanaw ang pag-alis ng dalawang babae. Nanghihinayang siyang di man lang nakuha ang number ni Mariel. Ang dami kasi niyang obstacles na dinaanan kanina. End to end ang pwesto nila at masyadong masikip ang dancefloor kung saan doon siya napadaan.

Muling tinunga ang hawak na beer at nilunod ang panghihinayang.

"We will meet again soon Mariel. God will find a way for us to meet again." Ang malakas na sigaw ng utak ni Simon.

Chapter 4:

One lazy Sunday...

Naisipan ni Dani na pumunta ng Ayala and she didn't want to take her car at napagtripan niyang mag MRT na lang. It's been a while that she took the MRT. Ayaw niya kasi ang siksikan pero since it's a Sunday, mas madalang ang sumasakay dun.

She's all by herself. Lagi siyang may ganitong moment. Gusto niyang merong siyang time for herself na wala siyang inaalala.

Tahimik siyang bumababa sa escalator ng Ayala station para makatawid papuntang SM Makati nung biglang may tumawag sa pangalan niya.

"Mariel?" tila manghang pagbigkas nito ng pangalan niya.

Parang pamilyar sa kanya ang boses na yun pero di niya binigyan ng pansin kasi baka hindi naman siya ang tinatawag nito. Ang dami namang Mariel sa mundo. Pero muli niyang narinig ang pagbigkas ng kanyang pangalan.

"Mariel!" this time may katiyakan na siya nga talaga ang tinawag and the voice who's calling her seems to sound so excited.

Lumingon si Mariel kung saan nangaling ang tumatawag and there flashed before her are those nice set of teeth and that nice smile. She's going down and the latter is going up using the stairs.

Itinuro ng kausap na hintayin siya nito sa baba at dali-dali itong bumaba kahit paakyat dapat ito..

Nung pareho na silang nasa baba ay di mawari ang parehong ngiti ng kanilang mga labi.

"Mariel..." nakangiting sambit nito sabay lahad ng kamay.

"Simon..." nakangiti ring tanggap ni Mariel sa kamay nito.

Sa muli, ay nandun na naman ang kakaibang naramdaman nung magpang-abot ang kanilang mga kamay.

"Where are you going?" sabay nilang nabigkas ang katagang iyon at nagkatawanan sila.

"No you go ahead." Nakangiti pa ring sambit ni Mariel at pinauna si Simon sa tanong nito.

"Where are you going? Are you alone?" palinga linga pa ito para matingnan kung may kasama ba si Mariel.

"Wala lang. Nagliliwaliw lang. Na bored ako sa bahay eh kaya naisipan kong pumunta dito. Ikaw?"

"Wala lang din. Ewan ko bakit naisipan ko ring pumunta dito. I'm glad I did!" he said boyishly.

"Hey are doing anything? Can I invite you for a snack or something?" yaya ni Simon kay Mariel.

Medyo hesitant si Mariel kaya mas lalo siyang kinulit ni Simon hanggang pumayag siya. And atlast she did.

Niyaya siya ni Simon na tumawid sila sa Greenbelt kasi mas maraming new restaurant dun.

Hindi maintindihan ni Mariel kung bakit kumportable ang pakiramdam niya pagkasama niya si Simon. Makwento at palabiro si Simon. Hindi ito nauubusan ng topic. Ang dating matipid sa kausap na si Mariel ay naging madaldal na rin at sinabayan ang kabibuhan ni Simon.

Since maaga pa para kumain at busog pa silang dalawa ay napagkasunduan nilang magkape na lang muna. Hindi nila alintana ang oras. Namalayan lang nilang gumagabi na pala kaya they moved to another restaurant to have their dinner.

Naging kumportable na silang tuluyan sa isa't isa. Kahit mga personal na bagay ay napag-usapan na din nila.

"Mariel, if you don't mind me asking, do you have a boyfriend?"

She just smiled.

"Hmmmnnnn playing hard to get ha. Pero is it safe to say na wala coz if you do, di ka sasama sa speed dating na iyon."

"Alam mo naman pala ang eh. Why do you need to ask. I think hindi na rin kita tatanungin kung meron kang girlfriend coz I don't want to stress the obvious. Right?"

"Actually, kakabreak lang namin ng girlfriend ko. Honestly, a few days after that party." Seryosong sabi ni Simon.

"A few days after the party? You mean you had a girlfriend during that time?" nanlalaki ang matang habang sinasabi ni Mariel ang mga katagang iyon. Kung nagkataon pa lang natuloy ang usapan nung time na iyon ay baka magulo ang susuungin niyang sitwasyon.

Tila nabasa ni Simon ang iniisip ni Mariel kaya mabilis itong nag-explain.

"Hey don't get me wrong Mariel. Malabo na kami nung oras na yun kaya I decided to attend that speed dating. She's already in the states and it became official a few days after that event. She's happily married to her childhood sweetheart." He said smiling.

"What? I'm not thinking anything." Pagtatangi ni Mariel pero halata naman bistado siya.

"Oows. It's ok. No big deal." Sabay kindat nito kay Mariel.

At nagkatawanan silang dalawa dahil nawalan na ng mairason si Mariel at nahahalata ang pamumula nito.

Simon paid for their dinner nung magyaya na si Mariel to call it a night dahil magcocommute pa siya pauwi.

"Can I take you home instead na mag commute ka pauwi? I brought my car with me."

"Huwag na Sie, mapapalayo ka pa eh. I can take the MRT. Mabilis lang naman. In no time, I'll be home na." tangi ni Mariel sa invitation ni Simon.

"No I insist. Please." Pagpipilit pa rin ni Simon.

Hesitant pa rin si Mariel. Hindi siya talaga sanay magpahatid pauwi. She has always been independent all her life and but still Simon insisted.

Chapter 5:

Ang

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Net