Trilogy: I Knw Wer Cool (part 1)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng
intelligent not to notice kung baga.

"Ayun, nagkakilala kami kasi lahat naman ay dumadaan sa lahat ng participants."

"And? Teka, don't tell me nag date kayong dalawa before?"

Akmang sasagot si Simon pero inunahan ito ni Mariel sumagot.

"Ha? No!" napalakas ang boses ni Mariel dahil natataranta siya. "Actually hindi ako but sila ng cousin kong si Babe ang nagkamabutihan." Pagsisinungaling ni Mariel at di nito matingnan si Simon na sa pagkakataong iyon ay nagpang-abot ang kilay nito sa pagtataka kung bakit yun ang sinabi niya.

Si Miguel naman ay nananatiling tahimik lang pero naging very observant ito sa kilos nina Simon at Mariel.

"Yeah tama ang sinabi ni Mariel. I used to date her cousin Babe" may diing pagkakasabi nito lalo na sa pangalan ni Babe.

"Oh! Thanks God at hindi pala kayong dalawa. Otherwise, it's going to be really awkward right?" natatawang sambit ni Celine.

"So what happened between you and this Babe Pare?" this time si Miguel na ang nagtatanong.

"Actually, we just dated a couple of times but it didn't workout. I found someone else. Still from that speed dating."

"Hon, is this the girl you told me who broke your heart?" inosenteng sambit ni Celine.

Nag-iba ang expression ni Simon. Tila naging galit ang tono ng boses nito nung magsimula ulit itong magsalita.

"Yeah she's the one Hon. The girl who broke my heart. But let's not talk about her ok. She's already part of the past and you are my present remember?"

Yumakap agad si Celine kay Simon dahil sa sinabi nito.

Natameme bigla si Mariel and naramdaman niya ang panlalamig pero pilit niyang huwag ipahalata ang nadarama.

Naramdaman niya pag-akbay ni Miguel sa kanya and he felt na nanginginig si Mariel.

"Hon, are you alright?" pag-aalalala nito.

"I'm feeling cold suddenly." Pagdadahilan ni Mariel at buti na lang ay naki-ayon din sa kanya ang panahon dahil just about time na tinanong siya ni Miguel ay bumugso ang malamig na hangin.

Dahil dun ay niyakap na rin ni Miguel ng mahigpit si Mariel para maibsan ang naramdamang lamig nito. She buried her face in his chest and reciprocated his embrace.

Naputol ang pagmuni-muni ni Mariel nung may nag-abot sa kanya ng cold beer.

"May I sit down?"

Pero bago pa makasagot si Mariel ay umupo na si Simon sa tabi ni Mariel.

"Why did you have to lie? Bakit iba ang kinwento mo sa totoong nangyari? Why didn't you admit na naging tayo dati?" rapidong tanong ni Simon kay Mariel.

Chapter 15:

"Para sa ikabubuti ng lahat ang ginawa ko." Sambit ni Mariel sabay lagot sa bigay na beer ni Simon.

"Talaga? O baka mas tamang sabihin duwag ka pa rin Mariel?"

Hindi umimik si Mariel. She hates confrontation at mas lalong ayaw niyang kausapin si Simon at ayaw din niyang pag-usapan ang kanilang nakaraan.

"Ano Mariel?"

Bumuntunghininga si Mariel bago bumwelta.

"Alam mo huwag na nga tayong magpakaplastic sa isa't-isa. Oo ginawa ko yun para sa ikakabuti ng lahat. Duwag na kung duwag pero I think that was the only option. At teka lang ha, ako ba ang duwag o ikaw? Ano ba ang ginawa mo? You kept your mouth shut!" may diing pagkakasabi ni Mariel at galit siyang hinarap si Simon. Hindi niya matanggap ang paratang nitong duwag siya.

"Come to think of it, pareho tayong duwag!" dagdag pa ni Mariel. "Baka nga iniisip mo rin ang naisip ko just to save us both." At muli siyang lumagok ng beer. She drown her anger sa iniinum na beer.

Natahimik muli si Simon sa tinuran ni Mariel. Somehow that got him... Somehow nasapul siya ni Mariel.

"What have happened to us Mariel?"

Hindi umimik si Mariel sa tanong ni Simon.

"We used to be so in love with each other. We used to dream of our future. I thought we had a future." Medyo gumaragal ang boses ni Simon.

Out of nowhere ay biglang tumulo ang mga luha ni Mariel ng hindi man lang niya namalayan.

Biglang tumahimik ang paligid. Napasinghot si Mariel para pigilan sana ang patulo ng mga luha pero huli na.

"What happened to us Mariel?" pag-ulit ng tanong ni Simon kay Mariel.

Muling lumagok si Mariel ng beer and she doesn't want to answer Simon's question.

Come to think of it, they were not able to talk after that break-up. Come to think of it, wala pa talaga silang closure sa isa't-isa.

Maging si Simon ay napasinghot na rin bago ito uminum ng beer. Ayaw tingnan ni Mariel si Simon dahil alam niyang maging ito ay nagpipigil na rin ng lumuha.

"What went wrong Mariel?"

Hindi pa rin sumagot si Mariel kaya muling inulit ni Simon ang tanong.

"I don't know! I don't know!" histeryang sagot na ni Mariel and this time ay tuluyan ng bumalon ang mga luha. "Enough of these!" at tinangka na nitong tumayo pero pinigilan siya ni Simon.

"Please stay. Please stay for a while. Let's talk." Pagsusumamo ni Simon at halata na talaga ang pagpipigil nito ng mga luha base sa pagaragal ng boses.

Mariel brushed off Simon's hand. She put down the beer she's holding at tinakpan ang mukha ng dalawang kamay at tuluyan na siyang humagulgul.

Hindi alam ni Simon ang gagawin. Dapat ba niyang yakapin ang dating kasintahan? Dapat ba niyang icomfort ang dating katipan? Naguguluhan siya.

"Mariel..." nagtatangka si Simon na hawakan si Mariel pero umiiwas ang dalaga.

At tuluyan na ding tumulo ang mga luha ni Simon. Tinakpan na nito ang mga mata sa mga palad and he was really trying so hard to conceal the tears.

Kapwa sila sumisinghot pero ni isa sa kanila ay di nagsalita.

Maya't maya lang ay tumayo na si Mariel at binirahan ng lakad palayo sana kay Simon pero nahawakan ni Simon ang wrist ni Mariel. She tried to let go pero parang bakal ang mga kamay ni Simon na humawak dito.

In a suddent swift ay yumakap na si Simon sa beywang ni Mariel and he let go of his tears. Para itong batang nakahawak sa beywang ng ina at umiiyak at tila humihingi ng comfort mula dito.

Mariel resisted and she's trying all her might to let go of his embrance.

"Tama na! Pakawalan mo ako! Tama na!" she said in between sob.

Pero di pa rin natinag si Simon bagkus ay tumayo pa ito and he cupped her face and gave her a kiss.

Nanlaki ang mga mata ni Mariel sa pagkabigla at biglang umigkas ang kanang kamay diretso sa pisngi ni Simon. Nasampal niya ang lalaki dahil sa mapangahas na paghalik na ginawa nito.

Para tila naging hudyat ang sampal na iyon para muling bumalik sa huwisyo si Simon.

"How dare you!" galit na sambit ni Mariel.

"I'm so sorry Mariel."

"Why did you have to do that? Tapos na tayo Simon. We've moved on with our lives separately. Let's leave it as it is. Huwag na nating guluhin pa ang sitwasyon." Nangagalaiting sabi ni Mariel kasabay ng pag-iyak din niya.

At sa muli ay nagtangkang umalis ni Mariel pero muli siyang pinigilan ni Simon at sa pagkakataong ito ay muling yumakap sa kanya ang binata mula sa likod.

"Please stay for a while Mariel. Let's talk about this. Let's talk about us."

"There's no more us Simon. Matagal na tayong tapos. Let go of me." And she managed to let loose of his tight embrace.

Matapang na hinarap ni Mariel si Simon at sinabihan na "Stay away from me! Don't come near me! This is really insane and unfair to our fiancée! I'm happy with Miguel now at isaksak mo yan sa kukute mo!" at patakbong lumayo na si Mariel kay Simon.

Nanlumo at napa-upong muli si Simon. Sa tindi ng nadaramang galit ay naitapon nito ang nakitang botelya ng beer para mairelease dinaramdam!

"Marieeeeeellllllllll!!!!!"

************************************************************

Lingid sa kaalaman nina Mariel at Simon, may mga matang nakamatyag pala sa bawat galaw nila kanina at nasaksihan nito ang lahat lahat kaya bistado na sa taong ito ang totoong nangyari sa buhay nina Mariel at Simon.

"Magtutuos tayo. You can never get away with this. No one can get away with this." Galit na sambit ng isip ng nakasaksi sa nangyari kamakailan lang.

Chapter 16:

Parang pinaglalaruan pa ata si Mariel ng tadhana kasi pagkabukas niya ng TV ay ang music video ni Gwen Stefanie na Cool ang tumambad sa kanya.

It's a story of two ex-lovers who met again after several years and they are already committed to someone else. And they play it cool as ex-lovers.

Galit na pinatay ni Mariel ang TV at muling humiga sa kama and she resumed crying. She thought that she's over Simon but she's dead wrong. Bakit apektado pa rin siya sa halik nito? Buti at nasa tamang huwisyo ang utak niya kanina at di siya natangay sa halik nito.

Tahimik na umiiyak si Mariel at nakatulugan na niya ang ganung position.

**********************************************************

Nakasalampak pa rin si Simon sa buhangin nung lapitan siya ni Miguel. He was caught off guard at hindi nito napaghandaan ang kamao ni Miguel na nagswak sa kanyang kaliwang mukha.

Duguan ang bibig ni Simon at pinipilit nitong tumayo at iniiwasan ang mga suntok ni Miguel. Malaking tao si Miguel kumpara kay Simon pero halos magkasing tangkad lang sila.

Nagawang tumayo ni Simon at pinahiran ang bibig na may dugo. Somehow may idea siya kung bakit ginawa ni Miguel ito kaya inihanda na lang niya ang sarili sa susunod na mangyayari.

"Just as I suspected. Isa kang traidor!" galit na sambit ni Miguel.

Nanatiling tahimik si Simon pero nakikipagsukatan ito ng tingin kay Miguel.

"What do you think you're doing huh? You're my sister's fiancée and Mariel is mine! What do you think were you doing kanina?"

"You don't know anything about me and Mariel"

"Yeah right? Hindi ko man alam pero sapat na yung nasaksihan ko kanina that you are taking advantage of my fiancée." At akma na namang susuntok si Miguel pero naiwasan ito ni Simon.

Naging hudyat iyon para muling magpangbuno ang dalawang binata. Suntok, sipa, tadyak, suntok ulit.

Pareho na silang nakahiga sa buhangin at pagulong gulong pero sige pa rin ang suntukan. Buti na lang napadaan ang caretaker ng bahay nila Miguel at pinilit silang inaawat.

At buti na lang at malakas at malaki ang katawan ng umawat sa kanila at dumating din ang dalawang kasama nito at tuluyan ng naawat sina Miguel at Simon.

Parehong duguan ang kanilang mga mukha pero kahit pareho na silang hinawakan ng umawat sa ay nagpupumiglas pa rin silang pareho at gusto pa ring ituloy ang sapakan.

"You stay away from her and you fix this mess that you created you moron! Or else I'll do anything in my power to get rid of you." Pagbabanta ni Miguel

"Bring it on Man! Akala mo natatakot ako sayo. Bring it on!" paghahamon ni Simon.

Nagtangkang susugod ulit si Miguel pero napigilan siya ng umaawat sa kanila.

"Bitiwan niyo ako!" commanded Miguel dun sa tauhan niya. Binitiwan siya nito but hindi totally.

"Mark my word Santos! Ayusin mo ito kung ayaw mong dumanak ang dugo." At walang sabing lumayo ito sa kinaroroonan ni Simon. Hinubad nito ang suot na tshirt at ipinahid sa duguang mukha.

"Bitiwan niyo nga ako!" asik ni Simon sa mga humahawak sa kanya.

Hinubad din nito ang t-shirt matapos bitiwan ng umawat at pinahiran ang duguang mukha.

Hinawakan ang sumasakit na panga at pumunta sa dalampasigan at tuluyang lumusong sa tubig para maibsan ang galit na nadarama.

*****************************************************

Tinitingnan ni Miguel ang namamagang mukha sa salamin. Masusing nilinis ang mga sugat at nilagyan ng gamot. Nakahawak si Miguel sa lababo at nakatungo ang ulo. Paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang nasaksihan kanina. Pabalik balik ang tagpong hinahalikan ni Simon si Mariel.

Muling bumuswak ang galit ni Miguel at naisuntok ang kanang kamao sa salamin na ikinabasag nito.

"Miguel? Oh my God! What happened to you?" shock na lumapit si Mariel kay Miguel.

Chapter 17:

Pagkakita ni Miguel kay Mariel ay tila nakalimutan nito ang sarili at bigla nitong sinugod ang babae and his hands were on her neck and he pinned her on the wall.

"Miguel, nasasaktan ako." As she was trying to struggle from his tight grip.

"Kelan mo pa ako niloloko ha? Kelan pa?"

"Miguel please bitiwan mo ako."

"Bakit Mariel, anong meron si Simon na wala ako ha?"

"Miguel, please nasasaktan ako."

"Ano ang gusto mo ha? Ito ba? Ito ba?" and he started kissing her roughly.

Mariel could only cry habang iniiwas niya ang mukha kay Miguel na mas lalong nagpapagalit dito.

Sa tindi ng naramdamang galit ay nakakalimutan na ni Miguel ang pagiging gentleman. He dragged Mariel going to the bed they were supposed to share at kinumbabawan niya ito matapos na malakas na tinulak sa kama. He was literarlly on the act of raping her.

Iyak at pag-iwas ang ginagawa ni Mariel habang nagsusumamong patigilin si Miguel sa ginagawa. Pero parang bingi si Miguel dahil sa tindi ng galit na nadarama. Marahas na hinablot nito ang damit ni Mariel kaya napunit ito at pilit nitong tinatanggal ang pang-ibabang saplot ng dalaga.

Dahil sa pagod at panghihina ay hindi na tumitinag si Mariel at hinahayaan na lang si Miguel sa possible nitong gagawin. Nakakumbabaw pa rin si Miguel dito at si Mariel ay sige pa rin sa pag-iyak. Tanging panty na lang ang naiwang saplot ng katawan ni Mariel.

.

Natigilan si Miguel sa nasaksihan at tila nahimasmasan. Bigla itong tumayo at iniwan si Mariel. Muling pumasok sa banyo at naglock ng pintuan.

Hinatak ni Mariel ang kumot at itinakip sa hubad na katawan habang tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha. She can't believe na nagawa ni Miguel iyon. Miguel has always been a very composed and reserved person at kahit galit na galit ay hindi ito nawawalan ng composure until today.

Wala mang sinasabi si Miguel ay nahulaan na niya ang dahilan ng galit nito.

"Oh my God, ano na kaya ang nangyari kay Simon!" sigaw ng isip niya at gusto man niya itong tingnan ay mas minabuti niyang huwag gawin at baka mas lalo lang gugulo ang lahat.

Maya-maya pa ay narining niya ang pagbukas ng dutsa mula sa banyo. Hula niya ay naligo si Miguel. Gusto niyang magbihis kaso she so tired to move kaya nakuntento na lang siya na nakatalukbong sa comforter at ipinikit ang mga mata.

Tumigil ang pagbuhos ng tubig at ilang saglit lang ay lumabas na si Miguel na bagong ligo at bihis na bihis.

"Magbihis ka at magligpit. We're going back to Manila now." Walang emosyong sambit nito at lumabas na sa kwarto.

Nanginginig man ang mga tuhod at sumasakit ang mga kalamnan ay pinilit pa rin ni Mariel na bumangon at magbihis.

Nung mabisita ang sarili sa basag na salamin ay bakas sa kanyang leeg ang kamay ni Miguel. Napaiyak muli si Mariel nung maisip ang dinanas kamakailan lang.

Nung matapos ligpitin ang mga toiletries at makapagbihis ay lumabas na siya ng banyo. Nagisnan niyang nandun na muli si Miguel at ginagamot ang sugatang kamay.

Nakita niyang nahihirapan ito sa ginagawa kaya lumapit siya dito at tinulungan itong gamutin ang sugatang kamay.

Tahimik silang dalawa habang ginagamot ni Mariel si Miguel. Dala ng katahimikan at matinding emosyon ay tumulo na naman ang mga luha ni Mariel. Hindi makatingin ni Miguel sa kanya.

Patapos na sa pagbabandage si Mariel ng kamay ni Miguel nung magsalita ang huli.

"I don't need you to explain nor will I explain what happened. Let's just do things right. Tuloy ang lahat at kakalimutan ko kung ano man ang nakita ko kanina. Nagkakaintindihan ba tayo Mariel?"

Tango lang ang isinagot ni Mariel and she gathered the medicine kit at tumayo para ibalik ito sa lagayan at maghahanda na para umalis pero bago pa siya tuluyang makaalis ay hinawakan ni Miguel ang kanyang kamay kaya natigilan si Mariel.

In a swift ay nakapulupot na ang mga braso ni Miguel sa beywang ni Mariel. Natigilan si Mariel sa ginawa ni Miguel.

"I'm sorry for hurting you Honey. I didn't mean to do that. I'm really sorry."

Gumagaragal na ang boses ni Miguel habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Nawala lahat ang takot at galit ni Mariel sa nasaksihan kaya umupo siya sa kandungan nito at niyakap ang huli.

Mas lalong humigpit ang yakap ni Miguel kay Mariel. She can feel na para itong bata na takot mawalan ng kasama.

Upang mapawi ang insekyuridad na iyon ay si Mariel na ang nanghas na gumawa ng hakbang. She cupped his face and slowly descended her mouth to his.

Naging banayad ang halik na iyon hanggang unti-unting naging mapaghanap ang mga halik ni Miguel. His hands are slowly getting busy exploring her body. Pinangko ni Miguel si Mariel without letting go of her lips and brought her to the bed they're sharing.

Kahit labag sa kalooban ni Mariel ang possibleng mangyayari sa kanila ni Miguel ay pinipilit na niya ang sarili na tanggapin iyon para sa ikabubuti ng kanilang relasyon.

Things are starting to heat up between them pero bago pa tuluyang makalimut si Miguel ay nagkusa na itong tumigil at nakuntento na lang na yakapin si Mariel at ipinikit ang mga mata habang yakapyakap nito ang dalaga.

Nakatulog sila na mahigpit na magkayakap.

Chapter 18:

"Let's not talk about what happened kanina. Whatever I've seen and whatever is that issue, I will pretend that it didn't happened. But promise me one thing Mariel, just promise me... that things will be back before he came to the picture."

Paulit-ulit na nagrereplay ang mga katagang iyon sa utak ni Mariel. She promised him! She did! Iisa lang ang kalaban niya sa problema ito... ang sarili niya.

Bandang alas-kwatro ay nagising si Miguel at ginising na rin siya nito para makabalik na sila ng Maynila. Kahit namamaga ang kamay nito at mukha ay ayaw pa rin nito magpa-awat sa pag-alis. Alam niya ang rason nito at siya man ay gusto na ring umalis sa lugar na yun agad agad.

Tahimik lang silang dalawa sa sasakyan at hinayaan lang siya ni Miguel na ipagpatuloy ang pagtulog. Bihirang mag drive si Miguel at isa ito sa mga pambihirang pagkakataon. Ilang beses din niyang sinabihan si Miguel na siya na lang ang magdidrive pero lagi itong tumangi at sinabihan siyang matulog na lang.

Nung makarating na sila sa tinitirahan niya ay dun na sinabi ni Miguel ang mga katagang iyon.

"Oo Miguel. Everything will be back to where we left off. I promise."

"Good! And lastly, let's schedule our engagement once this shit comes off my face." It was more of a command than a statement.

Tango lang ang naisagot ni Mariel sa tinuran ni Miguel. Pero deep inside her, she's not really sold to the idea because she's having doubts of herself right at that moment.

"And one more thing, Celine won't know anything and I'll do everything in my power that she will never know about this incident. So this will just be between, me, you and that bastard. Am I clear Mariel?" maawtoridad na sabi ni Miguel.

Tahimik na tumango muli si Mariel at nagpaalam na si Miguel matapos siya nitong sabihan na huwag na munang pumasok for 3 days at maging ito ay di rin papasok para mapahupa na rin nito ang tinamong mga sugat.

Isang doorbell ang nagpapukaw sa pagbalik tanaw ni Mariel. Kunot ang noong tumayo para tingnan kung sino ang pwedeng maging bisita.

Ini-awang lang ni Mariel ng konti ang pintuan para mabisita kung sino ang nagdoorbell. Hindi niya kilala ang nagdoorbell pero nakita niyang may company logo ang suot na damit ng taong nagdoorbell.

"Mam, inspection lang po para sa anay."

Binuksan ni Mariel ang pintuan at pinatuloy ang magchecheck. Matapos

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Net